Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Enzo Pineda Michelle Vito

Enzo Pineda naka-focus muna sa career bilang paghahanda sa kasal nila ni Michelle Vito

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KABILANG Sina Enzo Pineda at Michelle Vito sa sumuporta sa launching ng Los Angeles-based trimmer na Meridian na ginanap recently sa Eastwood Mall, Atrium.

Ipinahayag ni Enzo na sobra siyang bilib sa produktong Meridian.

Wika ng aktor, “The CEO is our friend, matagal na kaming magkakilala.”

Pagpapatuloy ni Enzo, “I really like the product, kasi to be honest, kapag bumibili ako ng mga shaver, trimmer, parang after one month, two months na gamitan, parang pangit na, you can throw it na.

“At least itong Meridian, it’s something new here in the Philippines, we’re presenting a new era of personal grooming.

“Kasi napakatibay ng product, water proof, less nicks… nicks meaning, ‘yung nasusugatan ka kapag nagshe-shave ka.

“Ako, it happens to me all the time, ‘yung nakaiinis dahil gusto mo clean look ka, the next day mayroon kang big event, tapos pagpunta mo may dugo ka rito, may dugo ka roon…

“So itong product na ito, walang nicks, zero talaga, sobrang tibay and I hope that everyone can support it,” mahabang saad ni Enzo at idinagdag pang, ang Meridian ay isang confidence booster talaga.

Sa naturang event din, inusisa namin si Enzo kung handa na ba silang magpakasal ni Michelle.

Three years na ang relasyon ng dalawa at aminado ang aktor na napag-uusapan na rin nila ni Michelle ang hinggil sa kasalan.

Esplika ni Enzo, “Siyempre depende sa tamang timing para sa aming dalawa, but definitely lagi naming pinag-uusapan, ‘Paano kung ikinasal tayo? Ilang kids ba ang gusto namin, someday…”

“So definitely it’s in the topic, but right now, naka-focus po kami sa business namin.”

Pahayag ng aktor, “So besides sa pag-aartista, we have different businesses, food stall, mga beauty products…

“So, para sa akin ipon muna, para at least kapag ikinasal na kami, when the time is right, at least everything is set.”

Ipinahayag ni Enzo, handa siyang pakasalan si Michell anomang oras, ngunit gusto nila talagang paghandaang mabuti ang pagkakaroon ng sarili nilang pamilya.

“Any time naman puwede, pero iba pa rin ‘yung kapag tamang timing lahat. Everything is set, everything is perfect. Kung minadali mo, ang hirap din naman na hindi kayo prepared for the house or for your kids, and or your family.

“Iyon ang iniiwasan namin, so as much as possible, you have to be prepared,” sambit ng aktor. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …