COOL JOE!
ni Joe Barrameda
NA-IMPRESS ako sa grupo ng SKYGARDEN na kinabibilangan ng Japanese trio na sina Ryoichi ”Ryo” Rivera Natsuka, Hiro Ozaki, at Iwaki”Iwa” Maegawa, dating mga negosyante mula sa Nagoya, Japan.
Sa murang edad matagumpay na negosyante na sila pero dahil nga sa pandemic, nawalan ng trabaho at negosyo.
Ang Japanese trio ay naging mga content creator at singers. Kaya sa pangunguna ng Fil-Jap na si Ryo ay nagdesisyon silang pumunta ng Pilipinas noong 2022 para rito magsimula ng bagong career at matutunan ang Filipino culture.
Simula noon, trending sila sa Pilipinas sa mga social media at marami silang napasayang Pinoy fans. Kaya nakuha rin nila ang atensiyon ng GMA Music. Nakapag-guest sila sa Family Feud at sa Daddy’s Gurl.
Noong Sept 1 ay ini-release na in online platforms ang debut single nilang KOKOA na isinulat ni Hiro. Ito ay mula sa Japanese phrase na Kokoro Kara Aishiteru na ang ibig sabihin ay I love you from the bottom of my heart na inspired by Iwa’s experience in love na hinaluan ng Japanese anime rock with Tagalog lyrics.