Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
David Licauco ER Ejercito Jeric Raval

David pasado ang pag-aaksiyon kina ER at Jeric

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

KUNG hindi lang namin kaibigan si Jak Roberto, isa kami sa magpu-push na maging totoo ang relasyon nina Barbie Forteza at David Licauco. Nakikilig pa rin kasi ang tambalan ng dalawa. 

Ang galing magpanggap ni Barbie sa relasyon nila ni David. 

Nasaksihan namin ito sa preskon ng Maging Sino Ka Man na magsisimulang umere sa Sept. 11, kaarawan ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. .

Sa trailer pa lang ay kinikilabutan kami sa ganda ng trailer nito. Sa ilang pagtatambal nina Barbie at David ay naging kampante na sila sa isa’t isa. Gamay na gamay na rin nila ang isa’t isa. Pero ipinagdiinan nila na alam nila ang boundaries ng bawat isa pagdating sa pribadong buhay. Alam naman natin na may kanya-kanya silang buhay.

Malaki rib ang improvement ni David sa acting at ito ay ipinagmamalaki nina ER Ejercito at Jeric Raval na mga beteranong action stars.  Ipinagmamalaki nila na next Rudy Fernandez at Ace Vergel si David. 

Natawa nga ako sa comment ng kapwa manunulat na si Gorgy Rula na bakit sa mga patay ikinukompara si David at hindi sa buhay gaya nina Sen Bong Revilla o Sen Rodin Padilla?

Oo nga naman. Kaloka. Kasama rin sa serye si Faith Đã Silva na umaarangkada na rin ang career.

Grateful si Faith na mapasama sa project. Napapanood siya sa Tik Okclock araw-araw.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …