Sunday , December 22 2024
Amanda Avecilla Yalla, Habibi

Amanda Avecilla humahataw ang beauty and wellness hub na Yalla, Habibi

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG Vivamax actress na si Amanda Avecilla ay nag-lie low muna sa pag-arte sa harap ng camera para tutukan ang business niya. Ang magandang aktres ay isa sa talent ng kilalang manager na si Jojo Veloso at graduate ang dalaga ng Bachelor of Liberal Arts, major in English.

Aminadong mas priority niya ngayon ang business kaysa showbiz.

Aniya, “For now po, yes. Pero I’ll do it naman po maybe one of these days once I headed na sa Viva office or once I visit my manager. Hindi lang din po kasi talaga pa ako makapag-commit dahil hindi rin po pa ako nakakapag-meeting or visit with my manager. Pero I’ll be on it, soon.

“My last project was with Direk Roman Perez under his anthology series called “Ssssh.” I’ve been offered several projects after that but unfortunately, I was focused and busy with my new business, which was just launched last June 18, 2023.”

Kung may acting project for her, game pa rin siya? “Opo naman, I’ll be more than happy to do it po as long as I can able to manage rin po ‘yung business ko, kapag walang conflict po, yes, anytime.

“Sabi ko nga po noon sa mga interview ko sa ‘yo, blessings don’t knock twice at us, so as long as we can do it—then, I’ll grab it,” diin ni Amanda.

Ipinahayag ng aktres na masaya siya sa pagtutok sa kanyang business.

Esplika ni Amanda, “Yes po, super nag-e-enjoy ako sa pagbu-business. I was able to somehow use my profession, especially doing marketing ideas to boost clients and managing my employees po. Nakaka-enjoy dahil productive po ako everyday especially ‘pag maraming clients at nasa business area ako mismo.

“Nakakapagod sometimes but at the same time, worth it. So I must say, am really happy having my own business, I don’t need to worry about time because I can managed it on my own, and most especially, boss ko lang ‘yung sarili ko mismo.”

Pagpapatuloy ng aktres, “It’s a beauty and wellness lounge under the name of Yalla, Habibi, which we offer services not just for women but also for all gender and ages, kasi mayroon kaming mga kiddie spa, massage, nails and beauty lounge to offer.

“We have a lots of services po, for Yalla, Habibi po we offer nails, eyelash, waxing, massage, glutha and more of beauty services. Kaya it was somehow a one stop shop na for all. And hopefully, when we earn a lot more e mas magdagdag pa po ako ng iba pang services.

“We are just located at the heart of Timog, Quezon City, to be specific, it’s located at Ushio 2 Plaza Building, Timog Avenue, Quezon City. Ang landmark ay in front of Quatro Restobar and we’re just besides Plaza Ibarra and Puregold Jr., Timog.”

Idinagdag ni Amanda na may partnership siya sa aesthetic clinic na isa pa sa business na pinagkakaabalahan niya, kaya talagang medyo nag-focus siya sa negosyo muna.

Wika ng aktres, “But I’ happy kasi this makes me more productive as I was able to meet a lot of people which is clients’ from our beauty hub.

“Nakakatuwa rin dahil kahit wala ako for now sa Viva, halos parang nasa Viva rin ako dahil sa mga co-artists ko na walang sawang sumusuporta sa aking businesses. Lagi silang dumadalaw, take note—not just as visitors but as clients. Tulad nina Cara Gonzales, Alexa Ocampo, siyempre hindi mawawala sila direk Roman at direk Ring as well as ang favorite kong production and location manager na si Mark Grabador, na very supportive at suki ng aming beauty hub.

“Hindi rin mawawala sina Yen Durano, Ayanna Misola, Azi Acosta at iba pa. Talagang akala mo it’s been a Vivamax Hub na dahil isa sila sa malaking hakot for clients’ ko as well as isa rin sila sa mga tagatangkilik ng business ko. And I’m so blessed that I have friends like them, na even outside Viva we still able to meet and communicate.”

Parang added attraction ba ‘yun sa mga regular customers nila?

“Actually, they’re not just for client attraction or added system for my marketing, but they’re my clients as well. Kasi talagang tinatangkilik din po talaga nila ang services namin. Which am so happy, kasi hindi sila basta visitors lang, I profit from them as well.

“And thankful naman po ako kasi mababait po talaga mga co-Viva artists ko, naging kaibigan ko naman po kasi sila kaya siguro they’re just being so supportive,” masayang sambit ng magandang aktres.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …