RATED R
ni Rommel Gonzales
KOMPIRMADONG magtatapos na sa ere ang Voltes V: Legacy sa September 8, 2023.
At dahil sa tagumpay ng GMA live action series, sumikat nang husto sina Miguel Tanfelix (Steve Armstrong), Ysabel Ortega (Jamie Robinson), Matt Lozano (Big Bert Armstrong), Radson Flores (Mark Gordon), at Raphael Landicho (Little John Armstrong).
Dugo, pawis, luha, pagod, at puyat ang pinuhunan ng lima para maging isang malaking tagumpay ang Voltes V: Legacy kaya naman nararapat lamang na regaluhan nila ang kanilang mga sarili, lalo na mula sa kinita nila sa show.
Biyahe abroad ang regalo ni Miguel sa kanyang sarili lalo pa at 25th birthday niya sa September 21.
Negosyo naman ang reward ni Ysabel sa sarili.
“Nagpatayo ako ng business.
“Along with my partners, magpapatayo ako ng isang nail salon and at the same time, magpapatayo rin po ako ng isang bakeshop.
“It’s kind challenging to put up two businesses at the same time pero ‘yun po ang ginawa kong reward sa sarili ko.
“Something din na kung anuman ‘yung effort na pinour ko rito sa ‘Voltes V,’ naghanap ako ng kung saan ko ulit ibubuhos.
“’Yun ang pinili ko, two businesses na passion ko rin naman.”
Ang tinutukoy ni Ysabel na nail salon ay ang branch ng sikat na Nailandia na ang mga partner niya ay mga co-star din niya sa Voltes V Legacy na sina Elle Villanueva (Eva Sanchez), Sophia Senoron (Ally Chan).
Masayang-masaya ang Nailandia owners na sina Noreen at Juncynth Divina sa pagkakataong magkaroon ng business collaboration sa tatlong aktres dahil sikat ang Voltes V: Legacy at patuloy na nangunguna sa ratings game.
“Very thankful, grateful kay Lord!
“Thank you Lord talaga, wala lang akong masabi, thank you Lord talaga,” bulalas ni Noreen.
Ang friendship naman nilang lima ang maituturing ni Radson na premyo niya sa sarili.
“Kasi sa tagal namin talaga, ang dami naming pinagsamahan and, feeling ko, walang makapapantay o makahihigit na gamit na puwede kong reward sa sarili.
“It’s priceless,” pahayag ni Radson.
Motorsiklo naman ang ibinigay ni Matt sa sarili.
“Best reward!
“Green ‘yung napili kong kulay ng motorcycle kasi gusto ko, every time na sasakyan ko ‘yung motor ko, it will remind me of pagiging Big Bert Armstrong.
“At saka, reward din ‘yung na-recognize ka sa ginawa mo, at wala na akong masasabi kundi sobrang proud na proud ako to be part of ‘Voltes V,”’ sabi ni Miguel.
Isang van naman ang iniisip ni Raphael na pag-ipunan at bilhin para sa kanyang pamilya.
“Kasi ‘yung family ko po, mahilig mag-outing, mag-travel. Para magkakasya na kami sa loob ng van.”
Happy di siya sa friendship nila ng Voltes V team.