Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jennica Garcia Queen White

Jennica nakapag-relax, nakapag-destress

RATED R
ni Rommel Gonzales

SI Jennica Garcia ang bagong celebrity endorser ng beauty product line na Queen White kaya tinanong namin ito kung paano inaalagaan ang sarili, ano ang ginagawa niya para mag-destress at mag-relax?

Sobrang overwhelming po talaga maging isang working-mom, actually katawan ko lang talaga ‘yung nandito ngayon, ‘yung kaluluwa ko hinahanap ko pa,” at muling tumawa si Jennica.

Actually po three weeks na akong hindi nakakapag-destress, but when I do get the chance, I make sure that I get a massage, and then magpa-body scrub, mahilig po talaga akong mag-alaga ng balat.

“Nandiyan naman ‘yun siyempre inaalagaan nating ‘yung balat natin from our home, pero iba ‘yung nakahiga ka na lang ‘di ba? 

“Tapos recently mayroon akong naranasan… last month, first time kong magpa-spa, ‘yung sa hotel po, kasi ‘di ba usually ang spa ‘yung pupunta ka na lang doon?

“Ito po na-try ko sa hotel, medyo mahal po ‘yung binayad ko, parang five digits nga po ‘yun, pero alam niyo po na-realize ko kailangan ko talagang magsipag sa buhay, kasi ang sarap.

“Ang sarap po talaga! Kasi usually po ‘di ba ‘pag mamasahihin po kayo tapos iba-body scrub po kayo tapos ipapasok po kayo tapos gagawin ‘yung procedure, tapos dull na po.

“‘Yung na-experience ko po kasi sa hotel, parang mayroon pa po kayong 30 minutes, para gagamitin niyo ‘yung private nilang sauna, steam room, ang sarap.

“Kailangan po talaga nating magsipag para nakakaranas tayo ng mga ganoong bagay. So iyon po, nilu-look forward ko po, siguro po ang next hotel spa ko next year na, January. Ha! Ha! Ha!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …