I-FLEX
ni Jun Nardo
PILYA pa rin si Mother Lily Monteverde nang mapasama kami sa post 84 birthday celebration niya last Wednesday sa Valencia Events Place.
Eh sa lunch na ‘yon, present ang iba niyang kapatid na babae at ilang press at selected friends sa showbiz like Malou Choa Fagar na halos senior na.
“Matanda! Ha! Ha! Ha!” nasasambit ni Mother sa mga bisita niya.
Itinaggi ni Ma’am Malou na nag-resign na siya bilang MTRCB member. Kinompirma niyang witness siya sa TAPE, Inc. kaugnay ng expenses noog hindi pa ang Jalosjos ang namamahala ng Eat Bulaga.
Sa totoo lang, nakaka-birthday talaga ang handa ni Mother Lily na ang anak na si Roselle Monteverde ang namahala.
Maayos pa rin ang kalusugan ni Mother Lily na nang dumating sa Valencia eh umupo agad sa grand piano at tumugtog ng paborito niyang musika.
Happy, happy, 84th birthday, Mother Lily!