Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelica Hart Secret Campus

Angelica Hart, tumodo sa pagpapatakam sa seryeng Secret Campus

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

GAGANAP si Angelica Hart sa mapaghamong papel sa seryeng Secret Campus ni Direk Jose Javier Reyes. na mapapanood na sa Vivamax sa August 27.  

Dito’y isang babaeng kapit sa patalim ang mapapanood sa kanya, na napilitang gumawa ng mga bagay na labag sa kanyang kalooban para lang maka-survive sa mga dagok at pagsubok ng buhay.

Bukod kay Angelica, tampok sa serye sina Azi Acosta, Ataska, Angela Morena, at Armina Alegre. Kasama rin dito sina Ali Asaytona, Victor Relosa, Enzo Santiago, at iba pa.

Ano ang role niya sa Secret Campus?

Tugon ni Angelica, “Ang role ko po ay si Clea, isang working student na gumagamit ng iba’t ibang paraan para kumita ng pera sa kadahilanang gusto niyang mapag-aral ang kanyang sarili.

“Hindi ito gusto ni Clea, kulang lang siya sa kaalaman sa buhay dahil wala rin ang magulang niya para gumabay sa kanya, kaya napunta siya sa mga maling desisyon sa buhay.”

Sinabi rin ng Vivamax sexy star kung gaano siya ka-daring sa kanilang serye.

Aniya, “Actually, eto daring po talaga ang mapapanood sa akin, kasi bukod sa working student, ako ay nagla-live show din dito and nagpapa-booking. So, may lima akong naging ka-love scenes dito sa serye namin na kaabang-abang po talaga.”

Nabanggit din ng maganda at flawless na talent ng dating Viva Hotbabe na si Maricar dela Fuente kung bakit Secret Campus ang title nito.

Sambit ni Angelica, “Kasi po, apat na matatapang na babae ang gaganap sa series na ito at apat na iba’t ibang masamang karanasan at mga sikreto sa campus na hindi nabibigyan ng pansin ang mapapanood po rito.

“Dapat nilang abangan ito kasi, sigurado akong maraming mapupulot na aral ang manonood nito.”.

After ng Secret Campus, naikuwento rin ni Angelica na ang susunod niyang gagawin na project ay isang love story naman at siya ang lead actress dito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …