ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
AFTER sumabak ni Andrew Gan sa pinaka-daring niyang movie titled Taong Grasa, patuloy sa paghataw sa kaliwa’t kanang projects ang aktor.
Kabilang sa pinagkaka-abalahan ngayon ni Andrew ang pelikulang Offload at ang drama-crime-mystery series na Royal Blood ng GMA-7.
Ang una ay isang pelikulang pinagbibidahan ni Allen Dizon, ang serye naman ay tinatampukan ni Dingdong Dantes.
Esplika ni Andrew, “Offload po ang title ng movie for filmfest yata sa Korea ito. Then, yung TV series ay Royal blood naman, starring Dingdong.”
Dagdag pa niya, “Sa Royal Blood po, imbestigador ako na kakampi ni Dingdong Dantes para alamin kung sino ang pumatay kay Gustavo. Bale, si Gustavo ay tatay ng mga Royales, sa kanya umiikot iyong story… si Tirso Cruz III ang gumaganap bilang Gustavo po.
“Sa Offload naman, ito’y directed by Rommel Ricafort, ang casts po ay sina Allen Dizon, Ava Mendez, Angel Guardian, Rap Robes, etcetera.
“Dito’y isang missionary naman ang role ko na maraming lihim, dark iyong character ko po rito. Si Allen ang bida rito at isa po ako sa kontrabida sa movie.”
Masaya si Andrew na nabibigyan siya ngayon ng iba’t ibang klase ng role at iba-ibang genre ng pelikula.
“Yes tito. Super-happy ako dahil nabibigyan tayo ng iba’t ibang opportunity. Iyong mga tipong out of the box na character po,” nakangiting sambit pa ng aktor.