Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alden Richards

Alden panlaban sa stress ang acting

RATED R
ni Rommel Gonzales

TAO lamang si Alden Richards kaya nakararanas din siya, tulad nating lahat, ng mga stress sa buhay.

Minsan kasi, of course tayo tao lang, doon nga po pumapasok ‘yung, ‘Tao lang tayo,’ kahit gaano mo katagal i-shield ‘yung sarili mo rito sa mga bagay na ‘to na present sa paligid, especially may it be you know, mga tao sa paligid mo na hindi ka gusto who creates false news about you.

“Na ayaw mong mag-react kasi… I never really react to these people because I know myself, I know the truth and I don’t really have to explain myself every now and then ‘pag nagkakaroon po ng issues.

“Of course may family problems as well, andiyan din po ‘yan and then ‘yung different kinds of pressure.

“So dumarating po talaga sa point na nahahabol niya po ako ng sabay-sabay,” pagbabahagi ni Alden.

Kaya kagaya rin nating lahat na may outlet na panlaban sa stress, si Alden, ang acting o pag-arte sa harap ng kamera ang tinatawag niyang “an escape” mula sa mga stress ng buhay.

With acting kahit paano every now and then, acting and gaming, natatakasan ko po sila.

“And then after a while, kasi minsan kapag nalulunod tayo sa problema hindi natin naiisip ‘yung solusyon doon dahil masyadong malaki ‘yung problema para makapag-isip tayo ng tama.

“So with the things that I love to do which is acting and gaming, at least nagkakaroon ako ng time off, nae-eject ko ‘yung sarili ko roon then nakakapag-isip ako ng mga solusyon.

“Kasi of course andiyan ang prayers para tulungan tayo pero minsan po kasi may mga problema na hindi kayang ma-solve ng kahit sino sa paligid mo other than yourself.

“Ikaw ang tutulong, ikaw ang magso-solve.

“So iyon po ‘yung mga life lesson ko po na natutunan dito sa industriya at sa pagtatrabaho ko po sa showbiz,”pahayag pa ni Alden.

Samantala, ngayong August 26, Sabado, 8:15 p.m. ay mapapanood ang finale at pang-apat na episode ng Magpakailanman na pagbibidahan ni Alden.

May pamagat na Sa Puso At Isipan: The Andrew Cantillana Story kasama niya rito sina Jackielou Blanco, Cris Villanueva, Therese Malvar at Dave Bornea, sa direksiyon ni Gina Alajar.

Naka-livestream din ito nang sabay sa official YouTube channel at website ng GMA Network.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …