Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yasmien Kurdi Miriam Ong-Yuson Mother Lola

Yasmien binilhan ng bahay ang ina

RATED R
ni Rommel Gonzales

SA unang pagkakataon ay inihayag ni Yasmien Kurdi na may bongga siyang sorpresa para sa kanyang ina.

Binilhan ko siya ng bahay! Katabi lang ng bahay ko, pero hindi pa naipakikita sa kanya. Sabi ko, surprise pa muna, so excited siya.”

Noon pa raw niyayaya ni Yasmien na manirahan ang kanyang ina sa bahay nila ng mister niyang Cebu Pacific pilot na si Rey Soldevilla. Jr. at anak nilang si Ayesha pero ayaw niyon.

Alam niyo naman ang mga nanay, ayaw, laging sinasabi, ‘Huwag, bahay niyo iyang mag-asawa, ayoko.’

“Kaya lang mahirap, kapag may emergency, nasa QC siya, nasa Muntinlupa ako, so mahirap. Hindi ko siya agad mapupuntahan.”

Kaya ang solusyong naisip ni Yasmien ay ibili ng bahay ang ina niya sa tabi mismo ng bahay nila sa Muntinlupa.

Hindi pa niya nakikita.

“Titira roon ang mom ko, ‘yung lola ko na 80 years old, my cousin na nasa amin na since two years old, so I’m really happy kasi lalapit na sa akin ‘yung lola ko and my mom.

“Kapag may gatherings, lagi na sila rito. Ipagluluto ko sila every day.

“So I’m really really happy and excited,” masayang pagbabalita ni Yasmien.

Samantala, mapapanood na sa Lunes, August 28 sa GMA Afternoon Prime ang The Missing Husband na bida sina Yasmien bilang si Millie at Rocco Nacino bilang si Anton.

Nasa cast din sina Jak Roberto as Joed, Sophie Albert as Ria, at Joross Gamboa as Brendan.

Pagsasamang muli ito nina Yasmien at Nadine Samonte (as Nona) na parehong produkto ng pinakaunang season ng Starstruck 20 years ago.

Sa direksiyon ng Voltes V: Legacy director na si Mark Reyes. Nasa cast din ng The Missing Husband Shamaine Buencamino as Sharon, Michael Flores as Banong, Maxine Eigenmann as Leila, the grumpy and rude sister of Anton; Cai Cortez as Glenndolyn,  Patricia Coma as Arya at Bryce Eusebio as Norman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …