Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Richard Quan KUYAThe GovEdwin Jubahib Story

Richard Quan bibida sa istorya ng isang gobernador

RATED R
ni Rommel Gonzales

BIDANG aktor si Richard Quan sa pelikulang KUYA: The Gov. Edwin Jubahib Story.

Political kasi siya eh, medyo may pagka-political ako pagdating sa politics, eh. So medyo mayroon akong kaunting hesitation,” ang umpisang sagot ni Richard sa tanong namin kung ano ang una niyang reaksiyon nang ialok sa kanya ang pelikula.

It’s the story of a governor so medyo initially ang iisipin mo politics kaagad. Pero as I dive deeper doon sa project, nag-research ako, nalaman ko ‘yung details doon sa gagampanan na character, iyon nga si Governor Edwin Jubahib, something is ano eh, hindi normal sa kanya as a politician.

“Parang something’s right. Let’s face it kapag sinabi mong politician mayroon agad tayong hesitation ‘di ba? Mayroon kaagad, ‘Something is wrong.’

“Marami tayong nababasa.”

May mga tao kasi na ang tingin sa mga politician, although hindi naman lahat, ay corrupt, masama, etc.

Exactly.

“‘Yung pag-oo ko initially is because of direk Jun Posadas. I’ve worked with him once tapos nagustuhan ko ‘yung working atmosphere sa kanya, bibigyan ka niya ng creative space.

“Mag-uusap kayo, kapag humingi ka ng isang take, hindi ka happy sa eksena, pagbibigyan ka niya. Ganoon siya ka-open as a director.

“Sabi ko sa kanya I’ll make it a point na kapag may chance I’ll work with him again. So noong nalaman ko na siya ang direktor, iyon talaga ‘yung main reason kaya ko tinanggap itong Kuya,” pahayag ni Richard.

Gaganap bilang si dating Sen Manny Villar ang aktor na si Christian Vasquez sa bagong pelikulang Kuya: The Governor Edwin Jubahib Story na isang biopic feature film tungkol sa buhay ni Gov Edwin Jubahib ng Davao Del Norte at sa direksiyon ni Francis “Jun”Posadas.

Bukod kina Christian at Richard ay nasa KUYA: The Gov. Edwin Jubahib Story sina Bembol Roco, Juan Rodrigo, Marissa Delgado, Levi Ignacio, Marife Necesito, at Tracy Perez.

Si former Isabela Congressman Arnel Ty ang tumatayong Executive Producer ng pelikula, ang line producer ay si Raymond Ngan at ang sumulat ng screenplay ay si Henry Nadong.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …