I-FLEX
ni Jun Nardo
HINDI kami naniniwala na ang isang junior actor na biglang sikat muli ay hindi nagpapa-double sa kanyang action scenes sa series na ginagawa.
Naku, sa tagal na namin sa industry, even the biggest action stars eh kinakailangan ang double sa matitinding action scenes para hindi masaktan at madesgrasya.
Eh paano kung madesgrasya, eh ‘di natengga ang buong production? Sino ang magiging kapalit niya kung bida siya?
Naku, lumang gimik na ‘yung hindi nagpapadobol sa delikadong eksena. Dahil sagot ng production kung may desgrasyang mangyayari sa bida man o hindi ng series, ‘no?
Wala bang ibang gimik?