Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Hanelete Domingo

Beauty queen Hanelete Domingo napanatili ang kaseksihan

RATED R
ni Rommel Gonzales

BILANG isang misis ay napanatili ni Hanelette Domingo ang ganda kaya naman marami siyang titulo bilang isang beauty queen.

Ang mga titulo ni Hanelette ay bilang Mrs. Asia-Canada Universe 2018, Mrs. Philippines Canada Calgary, Mrs. Philippines Canada, at Mrs. World City Queen.

May mga anak na si Henelete pero seksing-seksi pa rin.

I have three children, ages 17 si Hayden, 16 si Kayla and 15 si Krizia.”

Tinanong namin si Hanelette kung ano ang fulfillment na nakukuha niya sa pagsali sa mga pageant.

Actually, I was shy before, so confidence ang na-build sa akin, and then nagkaroon ako ng socialization, ganyan, public speaking, na-build iyon sa akin.”

Nakatutuwa naman ang sagot niya sa tanong namin kung sino ang paborito niyang beauty queen.

Sarili ko, of course ‘di ba,” ang tumatawang sinabi ni Hanelette.

Umuwi pansamantala kamakailan sa Pilipinas si Hanelette para magbakasyon.

Just to be with my friends, bakasyon, a little bit.”

Habang nasa Pilipinas ay sumuporta rin si Hanelette sa mediacon sa Novotel ng modelo at male pageant contestant na si Randall Mercurio na tulad niya ay based sa Canada.

Si Randall ang pinili bilang representative ng Filipino community sa Canada sa Misters of Filipinas 2023 na idaraos sa September 2023 dito sa Pilipinas.

Bukod sa pagiging beauty queen ay producer din si Hanelette; may mga pa-basketball games siya sa Canada na mga local male celebrities mula sa Pilipinas ang naglalaro.

Isa na rito ay gaganapin sa October 22, 2023 (6:00 p.m.) sa Seven Chiefs Sportsplex, 19 Bullhead Road Calgary, T3T 0A8 Canada.

Ang mga celebrity na maglalaro sa game ay sina JC Tiuseco, Cesar Montano, Diego Loyzaga, Marcus Paterson, John Gonzaga, Luningning, at dalawang celebrity special guests.

Sa mga interesadong mag-sponsor sa Canada, maaaring tumawag sa 587-226-6791.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …