Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Michael V Bitoy Vice Ganda

Michael V sa pagsasama nila ni Vice: Eto na ‘yun pre

RATED R
ni Rommel Gonzales

MULING nagkasama nitong nakaraang Sabado ang Unkabogable Star na si Vice Ganda at Kapuso Comedy Genius na si Michael V sa It’s Showtime.

Sa Instagram, nag-post si Michael V o Bitoy kung ano ang pumapasok sa isip niya kapag nakikita si Vice.

Recently, tuwing nagko-cross ang paths namin ni Vice Ganda, isa lang ang laging pumapasok sa isip ko… ‘possibilities’,” saad ni Bitoy.

May tanong din ang Kapuso star sa kanyang followers: “In a time na parang ‘puwede na,’ ano sa tingin n’yo ang posibleng mangyari?”

Ang kaibigan ni Bitoy at co-host ng It’s Showtime na si Ogie Alcasid, nagkomento sa naturang post na may kasamang high five emojis at sinabing: “eto na ‘yun pre.”

Maging ang leading lady ni Bitoy sa movie na Family Story na si Dawn Zulueta, nagkomento rin at sinabing: “Do it.”

Nag-guest si Michael V sa It’s Showtime nitong Sabado para sa birthday special ni Ogie.

Bago nito, nagkita rin sina Bitoy at Vice sa GMA Gala Ball noong nakaraang buwan. Hindi itinago ni Vice ang kanyang paghanga at pag-idolo kay Bitoy.

Nitong Sabado, nag-post si Vice ng larawan nila ni Bitoy na tinawag niyang “icon.”

Bukas naman si Michael V. na maging guest si Vice sa kanilang show na Bubble Gang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …