Monday , December 23 2024
Gela Atayde

Gela malaking pressure pagpasok sa showbiz; aminadong straightforward at prangka

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Gela Atayde na napkalaking pressure sa kanya ang pagkakapasok niya sa pag-arte dahil pawang magagaling na aktor ang kanyang inang si Sylvia Sanchez gayundin ang kapatid na si Arjo Atayde.

Sa pa-presscon ng kanyang talent management, ang Star Magic dahil sa pagwawagi niya sa World Hip-Hop Dance Championship na ginanap kamakailan sa Phoenix, Arizona at ang pagsabak na niya sa pag-arte sa pamamagitan ng una niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Senior High, sinabi ng dalaga na ramdam niya ang pressure ngayong nag-aartista na rin siya dahil nga sa galing at husay ng kanyang nanay at mga kapatid.

Yes, super laking pressure. My mom nga po, she jokes me. She says, ‘Pag ‘di ka magaling umarte, bubugbugin kita’. Pero joke lang po `yon.

“But so far, so good naman. I think it helps me work even harder, kaya nga mas lumalapit ako sa mga direktor namin na every time may scene tinatanong ko kung okay lang ba, and also my mom, nilalapitan ko talaga siya.

“Kasi mas gusto ko na manggaling sa kanya kaysa marinig ko pa sa iba, kung may mga negative man akong ginawa,” pagbabahagi ni Gela.

Samantala, naging emosyonal ang ikatlo sa anak ni Sylvia nang mapanood ang pagbati ng kanyang ina. Sinabi kasi ni Sylvia na patuloy siyang susuportahan nito sa lahat ng kanyang pangarap sa buhay, kasama na nga ang pag-aartista.

Pinuri rin ni Gela ang suportang ibinibigay sa kanya ng mga kapatid na sina Arjo at Ria gayundin ang kanilang amang si Papa Art na aniya’y a man of few words. Si Arjo pala ang isa sa dahilan kung bakit siya nahilig sa pagsasayaw.

At sa pagpasok ni Gela sa showbiz, mapapasabak agad siya sa matinding akting lalo’t makakasama niya sa seryeng Senior High ang inang si Sylvia.

Ani Gela very close sa kanyang personality ang karakter niya sa serye. 

Natutuwa si Gela na makakasama rin niya sa Senior High ang isa sa mga BFF niya sa showbiz na si Kyle Echarriat ang anak-anakan ni Sylvia na si Andrea Brillantes.

Being part of a family that is passionate about acting has played a huge role in opening my eyes to the beauty of the craft.

“I am really grateful to all those who paved the way for me to tick another goal off of my bucket list.

“‘Senior High’ is really gonna be special for me, not only because it’s my first acting gig but also because I’m sharing the camera with my mom,” sabi pa ni Gela.

Sinabi pa ni Gela na handa siyang harapin ang challenges sa pagpasok niya sa showbiz.

Pinakamatapang, mas palaban that’s what my Mom would say nga po. I think yes, I would say in terms of emotion mas straightforward po ako.

“I’m more frank and honestly that’s one of my fears po na in showbiz baka po I’m too frank naman po kasi I guess in terms of us siblings (Ria and Arjo) I would say ako po ‘yung pinakaprangka and pinaka-real. Hindi po ako takot magsalita,” sambit pa ni Gela.

At nang matanong sa kung anong tips ang ibinigay sa kanya ni Sylvia, “She always reminds me po na to tone it down and kasi of course there’s a lot of things, subject to misinterpretation so yes and I understand that very well na po.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …