PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
GRABE ang mga eksenang napanood namin sa Sugapa, ang latest movie na pinagsamahan nina AJ Raval at Aljur Abrenica.
Bukod sa bigay na bigay ang mga karakter nila, nagta-translate sa screen ang “love” nila. Sobrang komportable silang panoorin at hindi naman ‘yun nakapagtataka lalo’t sey pa nilang labis na tiwala ang ibinigay nila kay direk Law Fajardo (direktor din nila sa Nerisa, ang first Vivamax movie nila).
Sa tanong namin kung paano silang kumakalas sa mga role nila bilang sina Ben at Ana, music ni Taylor Swift ang pinatutugtog nila.
Although sa kanilang dalawa, mas matagal matanggal ni Aljur ang ‘karakter” niya at ibalik si Aljur “offcam” kompara kay AJ.