REALITY BITES
ni Dominic Rea
TAHIMIK pa rin hanggang ngayon ang kampo ng dalawang dating partners na sina Karla Estrada at Jam Ignacio.
March or April this year nagkalabuan ang dalawa ayon sa tsismosang bubwit.
Noong mga nakaraang buwan ay medyo hirap daw makapag-move on si Karla sa pangyayari pero sa taping naman ng kanyang Face 2 Face show sa TV5 ay mukhang okey naman siya.
Pero there was a time raw na nagyaya itong si Karla ng walwalan kasama ang ilang kaibigan at doon nga nalaman ng mga tsismosang bubwit na may pinagdaraanan ang ina Daniel Padilla.
Nanghihinayang talaga ako sa kanilang dalawa dahil bagay naman sila. Parehong guwapo at maganda at ang alam ko ay close na rin si Jam sa family lalo na sa mga anak ni Karla. I don’t know ha kung sa lahat.
Anyways, ganoon talaga ang buhay pag-ibig. Kasi naman, sabi pa ng tsismosang bubwit, ayaw na lang daw manahimik sa lovelife itong si Karla tutal okey naman ang buhay niya. Sagot ko naman kay bubwit, aba, eh matuturuan mo ba ang pusong magmahal?