Monday , December 23 2024

Hindi isang ejectment case
MAKATI-TAGUIG TERRITORIAL CASE ‘DI KAILANGAN NG WRIT OF EXECUTION

082123 Hataw Frontpage

HATAW News Team

KINATIGAN ni dating Press Secretary Trixie Cruz Angeles ang posisyon ng Taguig City na hindi kailangan ng writ of execution para ipatupad ang takeover ng Taguig sa EMBO barangays sa basehang hindi ejectment case ang kaso at malinaw ang desisyon ng Korte Suprema na turnover ang dapat sundin ni Makati City Mayor Abby Binay.

Sa kanyang vlog post na Luminous, hinimay ni Angeles ang usapin ng turf war sa pagitan ng dalawang lungsod, ipinaliwanag ni Angeles na isang abogado, kung titingnan ang 53-pahinang desisyon ng Supreme Court sa nasabing kaso ay walang basehan ang argumento ni Binay na magkaroon muna ng transition period. Aniya, “stop exercising jurisdiction” ang malinaw na utos ng hukuman kaya turnover ng hurisdiksiyon ang dapat gawin ng alkalde.

Itinuring din ni Angeles na walang legal basis ang nakuhang opinyon ng Makati City mula sa Office of Court Administrator (OCA) na nagsasabing kailangan muna ng writ of execution.

“Opinyon lang ang inilabas ng OCA, ang pinanghahawakan ng Taguig ay malinaw na desisyon ng Supreme Court,” pahayag ni Angeles.

Aniya, “ang writ of execution ay sa ejectment case, halimbawa, mayroong umuupa sa iyong property na gusto mo paalisin, kahit mayroon nang desisyon at nanalo sa hukuman kailangan pa rin ng writ of execution para mapaalis mo ‘yung nakatira sa iyong property.” Giit ni Angeles, “hindi ejectment case ang Taguig-Makati row.”

Ipinaliwanag ni Angeles na “stop exercising jurisdiction” agad ang desisyon ng Supreme Court sa territorial dispute dahil sa umpisa pa lamang ng kaso ay mayroon nang ipinalabas na temporary restraining order (TRO) ang Pasig City Regional Trial Court.

Sa July 8, 2011 decision ni RTC Pasig City Branch 153 President Judge Briccio Ygaña pinaboran nito ang Taguig sa inihaing Civil Case No. 63896 na Judicial Confirmation of the Territory and Boundary Limits of Taguig, iniutos ng Regional Trial Court na ang Fort Bonifacio Military Reservation kabilang ang Parcels 3 at 4, Psu-2031 ay kompirmadong bahagi ng teritoryo ng Taguig.

Nakapaloob sa desisyon na permanente ang ipinalabas na Writ of Preliminary Injunction noong 1994 at nakasaad dito na “Enjoining defendant Municipality, now City of Makati, from exercising jurisdiction over, making improvements on, or otherwise treating as part of its territory, Parcels 3 and 4, Psu-2031 comprising Fort Bonifacio.”

Ayon kay Angeles, noong 1994 pa, hindi na dapat nag-exercise ng jurisdiction ang Makati sa Embo barangays dahil mayroon nang TRO sa umpisa pa lamang ng litigation ng kaso, kaya sa naging desisyon ng SC noong 2022, ang kautusan nito ay turnover ng jurisdiction matapos manalo ang Taguig.

“Dahil nga may TRO ang utos ng korte sa Makati, huwag ninyong pakialaman ang area habang may litigation. Sa umpisa pa lang ay nasa default na ang Taguig dahil kung tutuusin ay mayroon silang jurisdiction din sa EMBO barangays umpisa pa lang. May upperhand ang Taguig dahil una panalo sila sa kaso, pangalawa ang simple ng SC ruling, everything has to be turnover to Taguig,” ani Angeles.

Aniya, kung may kuwestiyon ang Makati ukol naman sa mga gusali na kanilang pagmamay-ari gaya ng school buildings, hospital at iba ay maaari itong dumulog sa SC sa pamamagitan ng isang clarificatory petition subalit pagdating sa kung sino ang nagmamay- ari ng teritoryo ay malinaw na ito ay saTaguig.

“Sa mga property, maaari sigurong may compensation subalit ang Makati ang dapat na makipag-ugnayan sa Taguig para sa arrangement. Gaya ng Ospital ng Makati at University of Makati, maaaring ang Makati ang siyang magbabayad ng upa dahil nakatirik ang gusali sa lupa na pagmamay ari ng Taguig,” ani Angeles.

Nang hingan ng reaksiyon si Angeles na pride na lang sa panig ni Mayor Binay kaya nagkakaroon ng delay sa turnover, sinabi niyang mas mainam na i-turnover na ni Mayor Binay ang EMBO barangays habang magkaroon ng arrangement kay Mayor Lani Cayetano para sa mga ari-arian.

“I don’t want to say anything about Mayor Abby pero para sa akin it works in their favor if they turnover the barangays and see what other remedies they have for that area,” pagtatapos ni Angeles.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …