TULUYANG dinakipang isang babae nang mabuko sa kanyang pag-iingat ang siyam na P1,000 bills na may magkakaparehong serial numbers, nang ireklamo sa pulisya matapos magbayad ng pekeng P1,000 sa isang tindahan sa Makati City, nitong Sabado.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Divina Enor, nahaharap sa kasong paglabag sa Article 168 ng Revised Penal Code (Illegal Possession and Use
of False Treasury or Bank Notes).
Batay sa ulat ng Makati Police Station, dakong 9:00 am, kahapon, 19 Agosto nang mahuli si Enor sa isang general merchandise store na nasa loob ng Sacramento Public Market, sa Sacramento St., Barangay Olympia, Makati City.
Sa reklamo, umabot sa P245 ang halaga ng items na nabili nito at nagbayad ng P1,000 bill, ngunit pinagdudahan ng biktima na peke ang perang ipinambayad nito.
Sinabihan ng tindera na peke ang ibinayad ng babae at hiningan pa ng ibang bills at doon inilabas ang nasa walo pang P1,000 bills na magkakatulad ng serial numbers.
Kaagad itinawag ang insidente sa Olympia Sub Station 1 ng Makati Police at isinailalim sa imbestigasyon ng Station Investigation and Detective Management Section ang suspek para sa kaukulang aksiyon.
Nasa kustodiya ngayon ng Makati City Police Station ang suspek na si Enor, at nahaharap sa kasong paglabag sa Article 168 of the Revised Penal Code (Illegal Possession and Use of False Treasury or Bank Notes). (GINA GARCIA)