Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ava Mendez

Ava Mendez, humahataw ang showbiz career

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

HATAW to the max ngayon ang showbiz career ng magandang aktres na si Ava Mendez.

Kung noon ay sa Vivamax siya madalas napapanood, ngayon ay lumalabas na rin ang seksing-seksing talent ni Tyronne James Escalante sa iba.

After siyang mapanood sa Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin, si Ava ay nag-shooting din para sa pelikulang Road Trip. Kasama rin ang aktres sa pelikulang Offload.

Kuwento ni Ava, “Mayroon po akong project for Mavx Production na ipalalabas sa Netflix Originals. Ang title po ng movie ay Road Trip po, kasama ko rito sina Patrick Garcia, Kaye Abad, and Paolo Contis.

“Iyong sa Offload movie po, kasama ko naman dito sina Allen Dizon, Angel Guardian, Vance Larena, Andrew Gan, at marami pang iba. Bale, mapapanood po sa cinemas at entry po ito sa festivals sa Korea.”

Dagdag ng aktres, “Kalalabas ko lang din po sa Batang Quiapo and Wish ko lang last month.”

Nabanngit din ni Ava na sobrang happy niya dahil pang-Netflix na rin siya ngayon.

Aniya, “Sobrang happy po ako and excited at the same time, dahil first appearance ko po ito, first time na mapapanood ako sa Netflix. Katatapos ko lang po mag-shoot dito.”

“Yes po, first time kong magkaroon ng project sa Netflix. Hopefully po ay magtuloy-tuloy na po sana ito. And sana po ay hindi lang sa online streaming ako mapanood, kundi maging sa big screen din,” masayang wish ni Ava.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …