Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Max Collins

Sen Bong tiniyak Season 2 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, mas kaabang-abang

I-FLEX
ni Jun Nardo

NGAYONG Agosto ang golden year ni Sen Bong Revilla, Jr. sa showbiz na napanatili ang pagiging good-looking sa kabila ng maraming pelikulang nagawa.

Eh bukod sa anibersaryo, ipagdiriwang din ng senador ang kanyang 57th birthday sa September 25 na sa kabila ng pagiging masipag na senador ay naisisingit pang gumawa ng sitcom, huh.

Sa totoo lang, last episode na ng top-rating sitcom ni Sen. Bong this Sunday, 7:15 p.m., ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Ayon sa senador, mas kaabang-abang ang season 2 ng sitcom na pinaplanong gawing daily kahit wala pang kompirmasyon.

Unang nagkaroon ng exposure sa pelikulang Tiagong Akyat na pinagbidahan ng ama na si Ramon Revilla, Sr., sa edad na pito. Sa movie na Binanong Bulag sa edad na 14 nagmarka ang pangalan ng senador.

Taong 1983 nang inilusad si Sen. Bong sa pelikulang Dugong Buhay kasama ang kanyang ama at nagkasunod-sunod na ang bongga niyang proyekto.

Binigyan siya ng titulong Titanic Action Star at siya ang pinili ng yumaong si Fernando Poe, Jr. na gumanap sa Panday.

Nahalal siyang senador na kanyang pinagbubuti pero hindi pa rin niya kinakalimutan ang sinimulan sa showbiz na ngayon ay sa telebisyon naman niya inookupa ang oras.

Ang pagiging professional sa trabaho ay namana ni Sen Bong sa yumaong ama para maging tagumpay at magtagal sa showbiz industry.

Happy, 50th year, Senator Bong!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …