Monday , October 21 2024
Ejay Fontanilla Roman Perez Jr

Ejay Fontanilla, saludo sa Cult Director na si Roman Perez Jr.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PURING-PURI ni Ejay Fontanilla ang tinaguriang Cult Director na si Direk Roman Perez, Jr. Nagkaroon kasi ng cameo role sa Vivamax series na Halo Halo X si Ejay recently at aminado siyang isang accomplishment ito sa kanyang showbiz career.

Sambit niya, “Accomplishment po sa aking showbiz career na maka-work ang kilalang Cult Director na si Direk Roman.”

Esplika ni Ejay, “Sobrang cool ni Direk maka-work, dati ko pa siya gustong maka-work. Kaso walang chance, now lang dumating ‘yung opportunity.

“Kaya ito, noong itinawag sa akin ng handler ko, nag-go po agad ako. Kasi dream ko talagang makatrabaho po ang Cult Director ng Vivamax.”

Pahabol pa niya, “Masarap katrabaho si Direk Roman at mamo-motivate ka niya nang husto, sobrang professional niya.”

Tampok sa serye sina Jela Cuenca, Micaella Raz, Denise Esteban, Andrea Garcia, Ataska, Audrey Avila, Hurry Up Tingson, Rash Flores, Victor Relosa, Gboy Pablo, at Benz Sangalang.

Ano ang role niya rito? “Cameo lang po ako roon, pero pasabog, Hahaha!

“May bed scene kami ni Jela Cuenca rito, iyong episode ko is Surveillance.

“Ako kasi is a gym guy dito. Nakasabay niya sa gym at naka-bedscene niya, same as sa mga guy na na-meet niya.

“Yes po, parang nagtikiman lang kami ni Jela, parang trip-trip lang… one night stand lang.”

         Nabanggit ni Ejay na game siyang magpa-sexy basta okay ang kanyang katawan.

Nakatawang sabi niya, “Akala ko nga wholesome na ibinibigay sa akin ng Viva, Hahaha! Biglang may sexy pa rin pala, kanina lang iyang shoot namin po.

“Pero okay lang sa akin kahit pa-sexy or wholesome ang ibigay sa aking project. May trust naman ako sa Viva and sa mga directors namin. Oks lang magpa-sexy basta fit ang katawan.”

Nagpasilip na ba siya ng butt sa ibang projects niya?

“Yes! Hahaha! Sa HOS ko may butt exposure ‘yun e, sa Alapaap ay mayroon din. Pang-third na pala ito, mayroon din akong butt exposure rito, hahaha!

“Iyong love scene ko kay Jela kakaiba ito. Kasi girl ang kaeksena ko, mabuti friend kami ni Jela, kaya hindi ako naiilang. Kasi, first time ko makipag-love scene sa girl sa screen. Usually ay lalaki ang ka-partner ko kapag nagbigay ng project ang Viva,” pahalakhak na wika pa ni Ejay.

“Mainit ang love scene namin ni Jela… basta, kaabang-abang po siya talaga, hahaha!” Pahabol pa niya.

Anyway, si Ejay ay isang Viva contract artist at ambassador ng Tatio Active DX na pag-aari ni Ms. Regz Barrios. Ang main endorser ng Tatio Active DX ay sina Danilo Barrios at Kris Bernal.

Si Ejay ang bida sa My Love, My Influencer na siya rin ang executive producer. Bukod kay Ejay, tampok dito sina Andrew Gan, Carlo Mendoza, ang batang Crispin sa Maria Clara at Ibarra, si Ern Antonio at Kheanne Rein Paje and Jeremy Mesias. Ito’y mula sa pamamahala ni Direk Rusty Palacio Guarin.

Aniya, “Ito pong My Love, My Influencer ang pinaka-highlight ng career ko sa ngayon. Kasi iba ang pagka-lead ko rito, may dalawang leading man ako rito and at the same time, ako ang executive producer nito, pati ang Tatio Active DX, isa po sa producers.

“Plus, ito rin ang masasabi kong pinaka-challenging na role ko, so far,” masayang lahad ni Ejay.

 -30-

About Nonie Nicasio

Check Also

Ysabel Ortega Miguel Tanfelix Rhea Tan Sofia Pablo Shaira Diaz Beautederm Belle Dolls

Rhea Tan ipinakilala endorsers ng Belle Dolls — Ysabel, Miguel, Sofia, Shaira

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PORMAL na ipinakilala ng business magnate na si Rhea Tan ang endorsers …

Victor Relosa Christine Bermas

Victor Relosa ‘di makalilimutan si Christine Bermas

MATABILni John Fontanilla MASAYA ang  Vivamax actor na si Victor Relosa sa magandang takbo ng kanyang career sa Viva. …

Neil Coleta Election

Neil Coleta buo ang loob sa pagtakbo sa Dasmarinas

MATABILni John Fontanilla MARAMING artista ang tatakbo sa 2025 elections at  susubukan ang suwerte sa …

Marian Rivera Balota

Marian inspirado pang tumanggap ng indie film projects 

RATED Rni Rommel Gonzales SA Balota na pelikula ng direktor na si Kip Oebanda na pinagbibidahan ni Marian Rivera ay super-deglamourized …

Abot Kamay Na Pangarap

Abot Kamay Na Pangarap magbababu na sa ere; Jess Martinez wish ang youthful genre

RATED Rni Rommel Gonzales SA Sabado, Oktubre 19 ay mamamaalam na sa ere ang GMA top-rating drama …