Sunday , December 22 2024
Yassi Pressman Ruru Madrid

Yassi excited magpa-arangkada ng motor

RATED R
ni Rommel Gonzales

SI Yassi Pressman ang magiging leading lady ni Ruru Madrid sa upcoming GMA Public Affairs action series na Black Rider.

At dahil maaksiyon ang serye, ang paggamit at pagpapaputok ng baril ang ilan sa paghahanda ni Yassi para sa bagong proyekto.

Ayon sa aktres at social media star, excited siya sa kanyang pagbabalik-Kapuso at sa kanyang role bilang si Vanessa.

Feeling ko po magiging challenging po siya for sure. Maraming mga motor. Action. ‘Yung character din po ni Vanessa kasi hindi ko pa po siya nagawa noon,” pahayag ni Yassi.

Sinabi rin ni Yassi na natutuwa siyang makatrabahong muli si Ruru.

As an actor din po, dahil napapanood ko rin  ‘yung ‘Lolong’ siyempre na-excite rin po ako makita kung ano po ang magagawa namin together,” anang aktres.

Magkatambal din sina Yassi at Ruru sa pelikulang Video City. Dati na rin silang nagkasama sa Kapuso thriller series na Dormitoryo noong 2013.

Ten years ago na rin pero nandoon pa rin ‘yung trust namin sa isa’t isa bilang magkatrabaho,” ayon kay Ruru.

Na-feel namin ‘yun sa ‘Video City’ and I’m sure rito sa ‘Black Rider’ ibang timpla naman ‘yung maipakikita namin kumbaga ng team up naming dalawa.”

Kasama rin sa Black Rider sina Kylie Padilla, Matteo Guidicelli, Jon Lucas, Rainier Castillo, Katrina Halili, Zoren Legaspi, Gladys Reyes, Empoy, Jayson Gainza, Janus del Prado, at marami pang iba. 

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …