RATED R
ni Rommel Gonzales
ISA sa mga judge ng The Voice Generations ay ang SB19 member na si Stell.
Ano ba ang hinahanap ni Stell sa isang contestant o talent?
“As talent, alam ko ‘yung feeling na komportable ako sa taong alam kong magiging komportable rin akong makasama, lalo na sa isang competition.
“So, kung hinahanap ko is mapuso lang kumanta, and siya, sasabihin niya na ako kaya kong ibigay sa iyo ‘yung mapusong pagkanta. So I think, ikaw ‘yung makakatulong sa akin, kaya ikaw ang pipiliin ko.”
Nais din ni Stell sa isang contestant na handang lumabas sa “comfort zone” nito.
“Kasi naniniwala ako na parang ang isang artist kasi, once na komportable ka na sa kung ano ‘yung strength mo, roon ka mag-i-stay, eh. Matatakot kang mag-try kasi alam mo na magpi-fail ka.
“Siguro ang sasabihin ko sa mga magiging future talent na magiging part ng team ko, ‘Huwag kang matatakot magkamali. Parte ‘yan ng pag-grow mo as an artist.’
“Hindi lang artist, eh. ‘Yung pagiging tao, normal lang magkamali, at sa pagkakamaling ‘yun, doon ka matututo.”
Importante rin na ang isang tao ay kayang tumanggap ng pagkakamali.
“Kasi kung alam mo sa sarili mo na nagkamali ka, at tanggap mo kung sino ka buong-buo, spiritually, mentally, magagawa mo ‘yun lahat.
“Kasi alam mo na kung saan ka nagkamali, tatayo ka roon. Alam mo kung saan ka delikado, iiwasan mo ‘yun. Alam mo kung saan ka komportable, ‘yun ‘yung gagawin mo.
“But with the right guide and tamang coaching, masusubaybayan at magpo-prosper pa, manu-nurture pa ‘yung talent na mayroon siya.
“At ‘yun ‘yung willing kami gawin sa mga future talent namin.”
Mapapanood na ito sa Linggo, August 27