Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alden Richards

Alden ‘di pa rin nagbabago

RATED R
ni Rommel Gonzales

SA kabila ng tagumpay, kasikatan, at kayamanan ay hindi nagbabago si Alden Richards, base na rin sa opinyon ng mga taong nakakatrabaho at nakakasalamuha niya.

Kaya tinanong namin si Alden, bakit hindi siya nagbabago, bakit nananatiling nakatuntong ang mga paa niya sa lupa?

Utang na loob po. ‘Yung utang na loob ko sa mga tao na gumawa para maging… na tinulungan po ako para maging posible ‘yun.

“‘Yung hindi ko siya nakuha, of course, by myself alone, hindi ko po kine-credit na ako lang lahat ito, eh. Hindi.

“Kumbaga itong success ko po is a collective effort of all the people who love me and supported me.

“And I think isa po ‘yun sa mga reason na nagga-ground po sa akin, para hindi… kasi ganoon ‘yun eh, kapag, feeling ko po kasi, from my point of view lang po ito, opinyon ko lang po, kapag lahat ng bagay, lahat ng mga success mo in-attribute mo sa sarili mo, roon ka yayabang.

“Parang ‘pag… dahil sa akin kaya may ganito, dahil sa akin kaya ganyan, dahil sa akin kaya naging successful ito. So… actually kinikilabutan po ako ‘pag pumapasok sa isip ko na i-credit ‘yung sarili ko.

“Hindi ko kaya. So iyon po ‘yung isa sa mga napangalagaan ko sa sarili ko, ‘yung utang na loob. Napaka-importante, kahit na itong mga taong ‘to hindi humihingi ng kapalit. I think those people are the ones na dapat talagang alagaan sa buhay mo.

“‘Yung tumutulong ng walang kapalit. Iyon po ‘yung mga dapat inaalagaan. And those people are the ones who are keeping me grounded most of the time.”

Mapapanood sa Sabado, August 26, 8:15 p.m. ang pangatlong episode ng month-long stint ni Alden sa Magpakailanman sa GMA.

Pinamagatang The Lost Boy, sa direksiyon ni Irene Villamor, mapapadpad sa buhay na puno ng krimen na tiyak na magpapakita ng “the other side” ni Alden bilang aktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …