Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Lloyd Locarno Film Festival Golden Jug Award 

Pelikulang nagpanalo kay John Lloyd mapanood kaya ng mga Pinoy?

HATAWAN
ni Ed de Leon

BINATI ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chaiman Tirso Cruiz III si John Lloyd Cruz na nagbigay ng karangalan sa Pilipinas nang manalo siyang best actor sa 76th Locarno Film Festival (LFF) para sa pelikulang Essential Truth about the Lake. Pero never heard namin at walang nabalita sa indie film na iyan. 

Ilang taon na ang nakaraan, may isa ring Filipino na naging best actor sa Locarno, pero hindi nakilala rito sa atin ang naging best actor na iyon at walang nakapanood ng kanyang pelikula na hindi naman nailabas sa sinehan.

Ang problema kasi ng mga ganyang indie, kahit na sabihin mong nanalo ng award sa abroad, hindi naman napanood ng mga Filipino dahil hindi inilalabas sa sinehan. 

Sayang lang at malulugi ang mga sinehan kung ilalabas sila at wala namang manonood. Dapat lang na ipagmalaki ni John Lloyd ang kanyang panalo, pero hindi dapat asahan na tatangkilikin iyon ng mga Filipino.

Siguro kung sakali, dapat iyang mga ganyang pelikula, ilalabas din nila kahit na sa cable o sa internet para mapanood man lang kung mayroong interesado. Hindi dapat ipilit na iyan ay ipalabas sa mga sine. ‘Yang mga award sa mga ganyang festival, mahalaga iyan dahil iyan ay isang karangalang hindi nabibili. Rito sa atin tamalak na ngayon ang mga award na nabibili o nababayaran, kaya para lamang iyong award na ipinagkaloob ng magbobote. Kaya nga maski na magbobote nananalo ng awards eh at tinatalo ng mga lehitimong artista.

Kung sabihin nga kung minsan ng most awarded actress sa Pilipinas na si Vilma Santos, ”Hindi ko iniisip na manalo ng award kung gumagawa ako ng pelikula. Binayaran na ako para gawin iyon. Iyang award, bonus na lang iyan.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …