Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arjo Atayde Maine Mendoza

Kasalang Arjo at Maine ‘di na dapat pagtalunan kung totoo o hindi

HATAWAN
ni Ed de Leon

TALAGA bang fake ang kasal nina Maine Mendoza at Arjo Atayde kagaya ng sinasabi at gustong paniwalaan ng Aldub Nation?

Kung kami ang tatanungin, naniniwala kaming legal na kasal sina Arjo at Maine. Una, nakakuha sila ng marriage license na hindi mangyayari kung may valid mariage ang isa sa kanila. Mahirap namang ma-fake iyan dahil computerised na iyang marriage license pa lang, at kung may duda pa sa kanino man sa kanila, tiyak na pakukunin sila ng CENOMAR ng civil registrar bago bigyan ng lisensiya.

Ang main element ng kasal ay ang pakikipagksundo ng babae at lalaki na sila ay magsasama bilang mag-asawa. Ang nagkasal sa kanila ay totoong pari, at kahit na sabihin mong hindi iyon nagpaalam sa obispo ng Baguio na isinagawa ang kasal, hindi iyon sapat na dahilan para ipawalang bisa ang kasal. Ang gagawin ng pari ay ipapasok ang record sa kanyang parokya at irerehistro sa Civil Registrar ng kanyang lugar. Ang isang pari na itinalaga ng kanyang obispo ay maaaring magkasal saan man, at hindi pinag-uusapan kung saan ba siya nagkasal. Kailangan lamang na kahit na ang isa sa mga ikinasal ay miyembro ng kanyang relihiyon. Hindi maaaring ikasal ng isang pari o isang ministro ang dalawang hindi parehonn miyembro ng kanyang relihiyon.

Ang simbahan din naman ay naglalabas ng marriage bans, isang buwan bago ang kasal para nga kung ang isa sa mga ikakasal ay hindi dapat na makasal, maaaring maghain ng pagtutol ang sino man. Sa ritual din ng kasal, nagkakaroon muna ng pagtatanong ang pari kung may tutol sa kasal na iyon, at kung mayroon, pakikinggan muna siya ng pari kung may sapat na dahilan ang kanyang pagtutol.

So far wala namang nangyaring ganyan. Lumabas ang Aldub Nation na iginigiit na ikinasal na sila Alden at Maine noon pa at may tatlong anak, pero wala naman silang dokumentong inilalabas. Maging si Alden ay nagsasabing hindi totoo iyon. Sabihin man ninyong may anak si Maine, kung hindi naman siya kasal sa tatay niyon, legal ang kasal niya kay Arjo.

Wala na tayong pagtatalunan, mag-asawa na nga sina Maine at Arjo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …