Wednesday , November 13 2024
Jhassy Busran Unspoken Letters

Jhassy Busran, ibang klaseng husay, ipinakita sa pelikulang Unspoken Letters

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

HINDI maitago ni Jhassy Busran ang excitement sa pelikulang pinagbibidahan, titled Unspoken Letters.

Ang pelikula ay kuwento ni Felipa (Jhassy), na pinakabunso sa kanilang pamilya na may medical condition na tinatawag na Autism Spectrum Disorder (ASD).

Panimulang pahayag ni Jhassy, “Looking forward na po kami na matapos na iyong movie, kasi noong ginagawa pa lang po namin siya, iba na ‘yung feelings namin. What more pa kapag nakita na namin talaga iyong finished product?

“Sobrang saya ko rito sa film na ito, kasi, ibang Jhassy po talaga ang mapapanood n’yo rito. Sobrang na-test iyong capacity ko rito sa pag-arte, kasi ay grabe iyong pinagdaanan namin dito, marami pong internalization…

“Very excited na po ako na maipakita sa inyo ‘yung film at sana ay palarin po na makapasok din sa MMFF 2023. Kasi, sobrang laki po ng tiwala namin sa film na ito.”

Nabanggit din ng dalagita ang kaunting patikim hinggil sa kanilang pelikula.

Sabi niya, “Well, it’s actually a family drama po, maganda po ang istorya niya talaga, honestly. Iyong role ko po rito, kaya ko nasabing challenging, ito po ang dream role ko… ang gumanap na parang special child po, may ASD ako rito.

“Bale, sa akin po halos umiikot din iyong istorya nito, kay Felipa na may ASD nga po.”

Paano siya nag-prepare sa role?

Esplka ni Jhassy, “Nag-research po ako para sa role ko at iyong iba ay napulot ko sa acting coach ko, kay Ate Lotlot Bustamante for this project. Tinulungan niya ako nang sobra-sobra, marami po siyang naitulong talaga sa akin.

“Kasi noong una, sabi ko, ‘Ay parang exciting ito!’ Akala ko ay madali lang po siya na aarte lang ako na parang may ASD. Pero nang na-try ko na po siya, grabe ang hirap pong ma-achieve!

“Kasi, hindi puwedeng lumabas na nagpapanggap ako, kasi ay baka parang medyo maging offensive siya, lalo na sa mga taong may ganoon. So, pinag-aralan ko talaga na magmukha akong natural.”

Pagpapatuloy na kuwento ni Jhassy, “So far ang natatanggap ko naman po, magaling, natural daw po, iyong iba nga po tinatanong kung mayroon ba talaga akong… kung special child daw ba talaga ako. Yes po, napagkamalan ako talaga.

“Kaya ko po siya sinasabi para abangan talaga nila itong movie namin. Kasi, grabe po talaga ang hirap namin dito,” nakangiting sambit niya.

Dagdag ni Jhassy, “Parang umabot na po ako sa point na, kapag nasa kuwarto ko ako, na ang dami kong assignment na kailangang gawin, umabot po ako sa point na parang magbe-breakdown na po ako… dahil sa preparation sa role. 

“(Tinatanong ko na nga ang sarili ko) Kaya ko ba ito talaga? Ginusto ko ang role na ito, dream role ko nga ito, so dapat na kayanin ko ito.”

Nagbunga naman ang pagtitiyaga at paghihirap ni Jhassy dahil maraming pumupuri sa galing niya sa pelikulang Unspoken Letters, kasama na ang co-stars niya rito, na nagsasabing kayang manalo ng acting award ni Jhassy sa pelikulang ito.

Ang Unspoken Letters ay sa produksiyon ng Utmost Creatives Motion Pictures, sa panulat at direksiyon ni Gat Alaman. Tampok din dito sina Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Matet de Leon, Simon Ibarra, Orlando Sol, Daria Ramirez, Deborah Sun, MJ Manuel, at iba pa.

Samantala, nagsimula na ang 10 concert series ni Gerald Santos na tinawag na Erase Beauty Concert Series. Bukod kay Jhassy, special guests ni Gerald dito sina Bernie P. Batin, Joaquin Domagoso, Christi Fider, Erika Mae Salas, Janah Zaplan, John Gabriel, Karl Zarate, Shira Tweg, at MJ Manuel, directed by Rommel Ramilo.

Ang next na date na dapat abangan ay sa Sept. 2 sa Batangas, then ang susunod naman ay sa Cebu, at Davao.

About Nonie Nicasio

Check Also

Evelyn Francia Nick Vera Perez

Evelyn Francia, NVP1World’s International Inspirational Wonder

PINATUNAYAN ni Evelyn O. Francia na hindi balakid ang edad para abutin ang pangarap.  Sa edad 67, …

Roderick Paulate Robbie Tan

Roderick Paulate, Robbie Tan bibigyang pagkilala sa 39th Star Awards for Movies

MATABILni John Fontanilla HANDA nang parangalan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang mga natatanging pelikulang ginawa …

Roselio Troy Balbacal

Part time actor-businessman Troy itutuloy pagtulong sa TUY, Batangas 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging kagawad, tatakbo namang konsehal ng TUY, Batangas ang part time actor, …

Ivana Alawi Mona Alawi

Ivana Alawi nanggigil, napamura sa mga nanlait sa bunsong kapatid 

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang mapamura ng actress-vlogger na si Ivana Alawi sa sobrang galit sa mga basher …

Francine Diaz Malou de Guzman

Lola ni Francine nangangagat ‘pag naglalambing

RATED Rni Rommel Gonzales ANG lola niya ang dahilan ni Francine Diaz para tanggapin ang pelikulang Silay. Tulad …