Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gerald Santos Erase Beauty Concert Series 

Gerald Santos umarangkada ang Erase Beauty Concert Series, nag-renew sa Contura Medica

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGSIMULA na ang  Erase Beauty Concert Series ni Gerald Santos last Saturday sa Navotas Sports Complex. Matapos mawala sa bansa ng walong buwan sa matinding performance niya sa Miss Saigon-Denmark bilang si Thuy, hahataw na muli sa bansa ang mahusay na singer/theater actor. 

Ayon kay Gerald, ito ang simula ng kanyang 10 concert series na gaganapin sa iba’t ibang lugar sa Luzon, Visayas, at Mindanao na tatagal hangang December.

Special guests ni Gerald sa Erase Beauty Concert Series sina Bernie P. Batin, Joaquin Domagoso, Christi Fider, Erika Mae Salas, Janah Zaplan, John Gabriel, Karl Zarate, Shira Tweg, MJ Manuel, at Jhassy Busran, directed by Rommel Ramilo.

After Navotas ay susundan naman ito ng concert nila sa Batangas sa Sept. 2, sa Dream Zone, at sa ibang syudad pa sa buong bansa. Magtatapos ang naturang concert series sa December at asahan na isa itong malaking pagtatapos na concert sa malaking venue.

Anyway, nabanggit din ni Gerald na naka-617 shows siya ng Miss Saigon sa Denmark na Danish ang gamit na salita at pinapurihan siya sa magaling na performance rito.

Mula Denmark ay nagbakasyon si Gerald sa Paris at nagtuloy sa Tate para manood ng Broadway musicals.

Aniya, “It was like a spontaneous decision to visit the US dahil gusto ko kasing manood ng Broadway musicals, because I’m a big fan of Josh Groban and he’s playing Sweeney Todd in Broadway.

“Isa iyon sa mga main reasons why I wanted to go to New York para manood ng Broadway. Nakapanood naman ako kahit sobrang masakit talaga sa bulsa dahil sobrang mahal ng ticket sa Broadway,” nakangiting wika pa ni Gerald.

Naikuwento rin niya ang naging karanasan nang kumanta ng national anthem ng Amerika sa estimated na 70,000 crowd baseball fans between New York Mets at Milwaukee Brewers sa New York’s Citifield Stadium.   

Sambit ni Gerald, “Sobrang kabado ako noon, hindi ko ma-explain iyong kaba ko, dahil we know how Americans react. They’re really vocal. 

“Nang nandoon na kami sa stadium, noong kumakanta na ako, it became even more challenging. Kasi, grabe iyong echo. Sobrang laki ng stadium. So, I underestimated yung echo, hindi ko akalain na ganoon magiging kagrabe.

“So, lesson yun sa akin next time, kapag kakanta sa stadium, bring an ear plug. But ayun, I was able to pull it off naman, na-survive ko naman.

“Buti na lang one month bago ang game ay nasabihan nila ako kung kaya kahit paano ay nakapag-practice rin ako. Salamat sa Diyos, at maganda naman ang kinalabasan ng aking pagkanta base na rin sa palakpakan at hiyawan pagkatapos kung kumanta.”

Esplika pa ni Gerald, “Maganda naman ang naging rendition ko and noong bandang ending na, noong patapos na iyong song, talagang nagsisigawan na ang mga tao. Tapos may mga fireworks pa, kaya talagang unforgettable moment iyon sa akin.

“After the performance, may mga sumalubong sa akin, ‘Good job, buddy!’ Mga Americans iyon. Sabi ko, ‘Wow! That was such a relief’.”

Sa pagbalik ni Gerald sa bansa ay nag-renew din siya ng kontrata sa Contura Medica ni Dr. Exequiel “Bing” Yumang.

Ang Contura Medica ay ang beauty clinic of choice ng maraming celebrities for 12 years now. Ang kanilang clinic ay matatagpuan sa 198 Chateau Aurora Bldg., Morato corner Sct. Delgado in QC.  Ang expertise nila ay sa liposuction, cosmetic and plastic surgery, breast lift and reduction atiba pang beauty procedures.

Naikuwento rin ng magaling na singer ang bago niyang ilalabas na single na komposisyon ng mahusay na singer/composer/aktres na si Marion Aunor.

“Then I will release a new song, ‘Ako na Lang’ written by Marion Aunor, an R&B jazz number which is a return for me to pop music.

“Abangan nila, napakaganda ng song. This is a Tagalog song na kakaibang Gerald ang maririnig nila,” pahayag pa niya.

 -30-

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …