Saturday , November 23 2024
Marcos Mamay Jeric Raval Ara Mina Teejay Marquez

Biopic ni Mayor Marcos Mamay
MAMAY: THE GREAT MAN OF NUNUNGAN PELIKULANG KAABANG-ABANG

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KAABANG-ABANG ang pelikulang Mamay: The Great Man of Nunungan na biopic ng masipag na si Mayor Marcos Mamay.

Ang pelikula ay pinamahalaan ni direk Neal “Buboy” Tan at karamihan sa eksena rito ay kinunan sa Lanao del Norte. Tampok sa pelikula sina Jeric Raval at Ara Mina.

Si Mayor Mamay ay isa sa mga dapat kilalaning most transformative and inspirational figures for peace and development among Christians and Muslim brothers sa ating bansa dahil sa kanyang walang takot at matapang na adbokasiya upang kilalanin ang karapatan ng tao at lubusang mapatigil ang hidwaan ng pamilya sa Mindanao, na tinatawag na rido (clans conflict) na bibigyan buhay sa pelikula.

Maraming excited nang mapanood ito, ipapakita sa pelikula ang hinggil sa rido o family feud na literal na ubusan ng lahi ang makikita. Gusto ni Mayor Mamay na ma-highlight ito para malaman ng lahat kung ano ang ibig sabihin nito.

Pagbabalik-tanaw ni Mayor Mamay, “Maliit pa ako nararanasan ko na iyong mga putukan. Sa tainga namin dumaraan iyong mga bala.”

Nabanggit din ni Mayor Mamay ang pagpili sa bida rito.

“Ang dahilan bakit si Jeric, nag-usap kami ni Direk Buboy at hands down na kay Jeric talaga bagay ang role. May pagka-action kasi ang buhay ko lalo na at may family feud na existing noon sa lugar namin. Bukod doon ay pumasok din ako sa PMA, kaya sa tindig pa lang, no doubt, kay Jeric talaga bagay ang role,” esplika pa ng mahusay na public servant.

Nabanggit din ni Mayor na inspiring ang mapapanood na talambuhay niya. “Mula pagkabata, ipinanganak tayo na nasa marginalized sector, ipinanganak tayong mahirap, malaki ang pamilya. Sa lahat ng fifteen na magkakapatid, ako lang ang nakatapos dahil sa kahirapan.

“Sinasabi ko nga kung hindi lang ako scholar sa university ay hindi ako makatatapos,” aniya.

Si Mayor Mamay ay nagtapos ng Bachelor of Science in Business Economics sa Mindanao State University.

Ang pelikula ay magpapakita rin sa natural beauty ng Nunungan. Kabilang sa highlights na makikita sa pelikula ang Mount Inayawan Range Natural Park, na bahagi na ngayon ng ASEAN Heritage Park at malaking potential para sa eco-tourism dito. Pati attractions gaya ng Nunungan Lake and Raspberries. Ang naturang bayan sabi nga ay naging, “welcoming destination for tourists, dispelling negative perceptions of Muslim territories.”

Bukod sa mga kapuri-puring accomplishments ni Mayor Mamay, nais din bigyang diin ng pelikula ang hangarin ni mayor na maalis ang negative stereotypes hinggil sa Muslim communities.

Nanawagan si Mayor Mamay sa mga non-Muslims na maunawaan sana nila na ang aksiyon ng isang indibidwal ay hind nagre-represent ng buong community, na siya ay nagtataguyod talaga ng greater focus on peace and unity. Na ang kanyang matinding dedikasyon sa peace and development ng kanilang lugar ay nag-iiwan ng lasting impact sa Nunungan at nagsisilbing inspirasyon sa countless individuals.

Si Mayor Mamay ay isang active supporter ng local movie industry bilang Executive Adviser of Actor’s Guild, na nagpoprodyus ng mga pelikula upang magbigay ng job opportunities sa mga artist at behind-the-scenes workers.

Hindi lang isang respetadong lider si Mayor Mamay, siya ay isang proud father sa anak niyang si Sittie Nor-Ainnah Binasing Mamay, na nagtapos bilang magna cum laude sa Xavier University – Ateneo de Cagayan, recently.

Tampok din sa Mamay biopic sina Victor Neri, Polo Ravales, Teejay Marquez, Julio Diaz, Devon Seron, Ali Forbes, Jethro Ramirez, Sabrina M, Via Veloso, Katrina Paula, Ron Angeles, John Arcenas, Shiela Delgado, Toni Co, Tonz Llander Are, MJ Oblea, Princess Reyes, Marionney Mutia, Baby Go, at iba pa.

About Nonie Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …