Friday , November 15 2024
Gendear Fernandez

Gendear Fernandez, kaabang-abang sa kanyang concert sa Pier 1 sa Aug. 12

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG singer na si Gendear Fernandez ay nagbabalik sa music scene after more than three decades na paghinto sa pagkanta. Siya ay isang recording artist noong dekada nobenta.

Year 2022, sa kasagsagan ng Covid19 nagbalik sa showbiz si Gendear, kaya biniro naming bagay sa kanyang tawaging The Pandemic Diva.

Nakangiting tugon niya, “Oh wow, being called Diva by by media is such an honor. Tapos lagyan pa ng Pandemic na word na for me, it reminds of hope, na kaya pala natin malagpasan ang pandemic at bumangon muli, dahil lahat tayo ay sabay-sabay nanalangin sa Panginoon.

“Being called The Pandemic Diva by the media ay sobrang nakaka-proud and humbling at the same time. Totoo naman dahil sa pandemic, ang natutulog kong mga awit ay nabuhay kong muli. When I’m called Pandemic Diva ng media, it keep me going and pursue my passion in singing. Thank you so much dear media people for your support and calling me such! Pandemic Diva is such a strong word that is forever be remembered. Maraming salamat po! God bless you more and more!”

Ini-revive ni Gendear ang kanyang hit single na “Unang Pag-ibig” na tumanggap ng Best Country Ballad Recording award noong Awit Awards 1993. Siya ay aktibo ngayon sa paggawa pa ng mga original na awitin na dapat abangan.

Nagkuwento siya sa naturang kanta, “I recorded Unang Pag-ibig when I was 15 years old (1990) and released it under Dear Production (my parents) and distributed thru Ivory Records. Unang Pag-ibig is unrequited love song or we usually say “hugot” song. It is about nagmamahal na nabigo at iniwan but hoping na bumalik pa rin ‘yung minahal niya.”

Hindi bago kay Gendear ang mag-perform sa entablado dahil 15 anyos pa lang siya nang sumabak sa concerts kasama ang mga sikat na singers noon gaya nina Richard Reynoso, Jennifer Mendoza, Jojo Abellana, Billy Joe Crawford, na 10 years old pa lang that time.

Sa August 12 ay muling sasabak sa concert si Gendear sa Pier 1 na tinawag niyang Gendear Take 1 @ Pier 1 sa Roces Avenue, QC. Special guest niya rito sina Irene Coloso, Sam Coloso, at Lae Manego, plus ang mga anak ni Gendear na sina Chesca at Maxine.

“God blessed me with a very supportive husband (Allan Visitacion) and children,” wika ni Gendear na nasabi rin na thankful siya sa suporta ng mga magulang niya na natuwa sa pagbabalik niya sa pagkanta.

About Nonie Nicasio

Check Also

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …