Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ara Altamira

Ara Altamira, sasabak sa DJ Hunt sa Indonesia

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAIBALITA sa amin ni Ara Altamira ang mga kaganapan sa kanyang showbiz career lately.

Lahad niya, “Mayroon po akong projects sa Indonesia, competition. Sa September po ang finals nito, DJ Hunt po siya. Saka nasa August edition ako ng isang magazine ng Indonesia, na-feature ako. I was featured on the Rising Star Column of Popular Magazine Indonesia for August edition, Indonesian tradition ang theme since they’re celebrating their Independence day this month.”

Makikita ito sa larawan mula sa Popular Magazine Indonesia na galing sa kuha ni Okie Cokky.

Pagpapatuloy ni Ara, “I auditioned for DJ Hunt 2023 produced by Popular Magazine and Pioneer DJ Indonesia. It’s for aspiring DJ’s, and those na makukuha ay mabibigyan ng scholarship sa kilalang DJ schools ng Jakarta. Luckily, I got a golden ticket kaya I’ll be joining the Final Competition to be held on September.

“Mayroong voting and judging ng performance. Currently nasa lead ako ng voting and hopefully makakuha pa ng support,” masayang sambit niya.

Paano nag-start na nagkaroon siya ng mga project sa Indonesia?

“I started modeling and acting sa Indonesia year 2017, and bumalik lang ako this July para magbakasyon sana, dahil nami-miss ko na ang mga tao roon. Pero mukhang na-miss din pala nila ako, kaya sunod-sunod ang blessings from Jakarta during the time na nag-stay ako roon, talagang unexpected po lahat.”

Nabanggit din ni Ara ang kanyang pinagkakaabalahan sa bansa.

“Currently po ay nasa ‘Pinas ulit ako, I’m still doing modeling, hosting gig, and acting. Mas madalas akong mapapanood ngayon sa TBon, one of the top Filipino content producers in Middle East, na ngayon ay nasa ‘Pinas na rin. Short films in Facebook na inspirational ang mapapanood po rito.

“Hoping na magka-project ulit soon sa TV teleserye and movies,” aniya.

Dagdag ng aktres, “Marami na po akong nagawang short film sa TBon and until now nagsu-shoot pa rin ako sa kanila for more contents.”

Under contract ba siya sa kanila and saan mapapanood iyong TBon?

Tugon ni Ara, “Sa Facebook po napapanood, walang contract. MaRami silang Facebook page, but ang main page is TBon BillOut Night.”

 -30-

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …