RATED R
ni Rommel Gonzales
ANIMO’Y alitaptap sa pagkinang ang ilang stars ng upcoming GMA Public Affairs film na Firefly sa ginanap na GMA Gala noong July 22.
Glowing at confident na rumampa sa Red Carpet sina Dingdong Dantes, Max Collins, Kokoy de Santos, at Kapuso child actor Euwenn Mikaell. Mistulang preview ito na kikinang din sila sa bago nilang pelikulang ipalalabas soon sa big screen.
Makakasama nila sa pelikula ang ilan pang bigating stars kabilang na sina Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix, Juancho Triviño, Alessandra De Rosi, Cherry Pie Picache, Epi Quizon, at Yayo Aguila.
After The Cheating Game, curious din kami sa pelikulang ito na makikipagsabayan si Euwenn sa pag-arte kasama ang mga bigating artista. For sure, excited na naman ang lahat sa isa na namang big project ng GMA.