Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alden Richards Magpakailanman MPK

Alden apat na linggong mapapanood sa MPK

RATED R
ni Rommel Gonzales

APAT na episodes ng Magpakailanman sa GMA ang pagbibidahan ni Alden Richards ngayong buwan ng Agosto na magsisimula sa Sabado, 8:15 p.m., August 5.

Ani Alden, “It’s very challenging kasi contrast sila sa isa’t isa, walang similarities ‘yung roles and I think as an actor, I’m looking for something that’s not usual.

“Marami na rin po akong nagawang mga project and parang, siyempre roon tayo sa laging, ‘yung nare-reinvent ‘yung point of view ko pagdating sa trabaho ko bilang aktor.

“So with this opportunity, actually noong in-offer ito sa akin talagang I said, ‘We have to,’ kailangan ko siyang gawin kasi nakaka-miss din umarte talaga sa TV especially.

“Tapos ang ikinaganda pa nito is hindi siya linear, hindi siya iisang istorya lang parang teleserye, ‘di ba? So every week nagpapalit tayo ng role.

“Ganoon kabilis ‘yung transition. And nae-enjoy ko ‘yung journey, na parang ang laki ng naiaambag niya sa akin. Ang dami ko ring nadi-discover lately, how I switch characters.

“Kasi ‘yung taping namin one week lang ang interval eh, so I really have to study the script and transition from one character to another in a snap of a finger.

“Pero nae-enjoy ko siya sobra kaya thankful po ako sa buong team, of course sa GMA, to the whole team of MPK especially to the creatives for giving me this opportunity.”

Ang apat na MPK episodes ay ang A Runner To Remember: The Jirome de Castro StoryEpal Dreamboy: The Richard Licop Story, The Lost Boy, at Sa Puso’t Isipan: The Cantillana Family Story.

Pinakaunang beses na mangyayari sa Magpakailanman na isang artista ang bida sa isang buong buwan.

Ang Magpakailanman ay hosted siyempre ni Ms. Mel Tiangco.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …