Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Javier Angeline Quinto

Sarah Javier, hahataw sa Clowns Republik bilang guest ni Angeline Quinto

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAKAHUNTAHAN namin recently ang recording artist at aktres na si Sarah Javier, inusisa namin siya sa kanyang pinagkaaabalahan lately.

Bungad niya sa amin, “Hello tito Nonie, as of now po preparing po tayo sa nalalapit na concert po namin on Aug 17 po, 9:00 pm sa Clowns po QC… together with Ms. Angeline Quinto po.”

Ang naturang show ay pinamagatang One Night Only with Angeline Quinto at bukod kay Ms Sarah, guest dito sina Laverne Arceo, Gem Castillo, Cye Soriano, Christi Fider, Shira Tweg, Dindo Caraig, at Romel Chika.

Ano ang reaction niya na part siya ng isang benefit show? Ano ang masasabi niya kay Angeline?

Pahayag ni Ms. Sarah, “Wow, isa po talaga ako sa excited, kasi imagine makakasama po namin sa show si Ms. Angeline Quinto!

“Isang karangalan po, lalo na isa po siya sa mga hinahangaan nating singers sa panahon po ngayon. Nakatataba po ng puso, lalo na isang benifit concert po ito, masaya po ako na makatutulong po ako sa higit na nangangailangan.”

Ano ang dapat i-expect sa show na ito sa Clowns? “Naku, isang masayang gabi po iyan, marami po kaming performers at tiyak na sulit na sulit po ang kanilang ibabayad. Pagkatapos ng show uuwi, po silang masaya at may magandang memories po na babaunin.

“Kaya isama po nila dapat ang kanilang mga pamilya, dahil its a fun-fun night po talaga.”

Inusisa rin namin siya sa kanyang latest single titled Pangakong Napako.

Aniya, “Yes tito, ang bago ko pong release now is Pangakong Napako, composed by yours truly and arranged by Elmer Blancaflor po. Ito ay isang kanta na puno ng hinanakit, na kahit nasasaktan ka ay umaasa ka pa rin.

“Soon po ay may ire-record po uli tayo, abangan po nila uli iyan dahil may na-compose po ulit ako, maraming salamat po tito,” masayang sambit ni Ms. Sarah.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …