Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Erika Mae Salas Gerald Santos

Erika Mae Salas, excited na sa concert series nila ni Gerald Santos

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KAHIT super-busy sa kanyang pag-aaral sa UST ang talented na recording artist na si Erika Mae Salas, dahil sa pagmamahal sa musika ay naisisingit pa rin niya ito sa kanyang schedules.

Si Erika Mae ay bahagi ng concert series na tinawag na Erase Beauty Care Concert Series at gaganapin sa August 5, 2023 sa Navotas City Sports Complex at sa September 2, 2023 naman sa Dream Zone, Batangas City.

Tampok dito si Gerald Santos, kasama sina Joaquin Domagoso, Bernie Batin, Christi, Shira Tweg, Karl Zarate, Janah Zaplan, John Gabrielm, at Erika Mae Salas.

Sa aming panayam kay Erika Mae, nabanggit niyang excited na siya sa kanilang concert series.

“Yes po! Super-excited na po ako na mag-perform sa stage at makitang kumanta nang live muli si Sir Gerald Santos,” pakli ni Erika Mae.

Dagdag niya, “Para makita po nila ang mga showdates po namin, visit lang po nila ang page ng Erase Beauty Care.”

Paano siya naging part ng naturang concert series? “In-invite po kami ni Sir Rommel (Ramilo),” matipid na wika ng dalaga.

Ano ang kakantahin niya rito?

Esplika niya, “Sa pagsisimula po ng aming concert series, ang kakantahin ko po ay Two Less Lonely People by KZ Tandingan at Hindi Na Nga by This Band, para po patok sa masa at madali pong sabayan.”

May new single ba siya?

“Mina-master ko pa po ang latest single ko na Biyahe ng Puso. Hindi pa po siya nare-release, pero I am done recording it na po,” nakangiting pakli ni Erika Mae.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …