MAS paiigtingin ng mga bansang Filipinas at Japan ang partnership para sa railway system ng dalawang bansa.
Nakatakdang magsagawa ang Department of Transportation (DOTr) at ang Japan International Cooperation Agency (JICA) ng Philippine Railway Conference sa darating na Oktubre.
Ayon sa DOTr, layon ng naturang conference na mapag-usapan ang mga makabagong innovations ng JICA sa railways system sa kanilang bansa at maibahagi ito sa Filipinas dahil sila ay may technological advancement pagdating sa railway system.
Ito ay upang mas mapaigting pa ang partnership ng bansang Japan at Filipinas para sa mahusay na railway system ng bansa.
Magsisimula ang naturang Conference sa 25 Oktubre 2023 sa Marco Polo, Ortigas, Pasig City. (GINA GARCIA)