Friday , November 15 2024
European Union Euros

Para sa mga biktima ng bagyong Egay  
P30-M DONASYON NG EUROPEAN UNION SA PH

NAGBIGAY ang European Union ng mahigit P30 milyong halagang tulong para sa mga biktima ng bagyong Egay sa Filipinas at para masuportahan ang ‘relief efforts’ ng bansa.

Ayon sa EU layunin ng naturang pondo na makapagbigay ng life saving assistance kabilang ang emergency shelter at shelter repair, malinis na tubig, at sanitation para sa matinding sinalanta ng bagyo sa Region 1 (Cagayan Valley), Region 2 (Ilocos Region), at Cordillera Administrative Region.

Ipinaabot ni EU Commissioner for Crisis Management Janez Lenarčič ang agaran at walang patid na suporta ng EU sa mamamayang Filipino kasunod ng pananalasa ng bagyo na nagresulta sa matinding pinsala at pagkawala ng mga tahanan.

Dagdag nito, nasa mga lugar na naapektohan ng bagyo ang kanilang humanitarian partners para iassess ang pangangailangan ng mga lokal na residente.

Matatandaan, sa huling datos nitong 30 Hulyo, ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), mahigit 608,979 indibidwal sa buong bansa ang naapektohan ng malakas na hanging habagat at nagdaang super typhoon.  (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …