RATED R
ni Rommel Gonzales
SA pamamagitan ng Facebook messaging nitong July 28, Biyernes, nakausap namin si Aiko Melendez at tuwang-tuwang ibinalita na ga-graduate na siya sa kolehiyo.
“Bukas graduate na ako! Finally!!! With diploma na ako.”
Nagtapos si Aiko sa Philippine Women’s University ng kursong Communication Arts Major in Journalism.
Tulad ng regular na estudyante, nagmartsa ang aktres at konsehala sa PICC (Philippine International Convention Center) sa Roxas Boulevard noong Sabado, July 29.
“Last year before campaign nag-start ako [mag-aral muli], kasi nag-college ako dati sa St Joseph’s College pero hindi ko natapos sa sobrang busy.
“Mass Commmunication ako, tapos nag-shift ako sa BS Psychology. So na-accredit naman some of my subjects before,” masayang kuwento ni Aiko.
Kahit busy si Aiko bilang konsehala ng District 5 ng Quezon City at sa pag-aartista ay pinilit niyang makatapos ng kolehiyo dahil ipinangako niya iyon sa namayapa niyang stepfather na si Tito Danny Castañeda at sa mommy niyang si Mommy Elsie Blardony.
“’Yan ang naipangako ko sa daddy Danny ko bago pa siya nawala, na tatapusin ko ang studies ko by hook or by crook.
“And sa mom ko rin.”
“Ang kaso ‘di ba showbiz was my bread and butter. So now I have two kids na both nag- excell sa studies nila, I have to finish mine, too.
“So noong pandemic nagkaroon mg ETEEAP course online, blended, nag-enroll ako.”
Ang ETEEAP ay Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program.
“Online at face-to -face course siya with diploma.
“So now tapos ko na siya.
“I think best gift ko ito sa mga anak ko and to also inspire busy working moms like me to finish my course.
“After nito magma-masteral na ako. Mag-rest lang ako this semester tapos enroll uli.”