Monday , December 23 2024
ARTA PPA Port Pier Container

ARTA umatras sa ‘anti-smuggling’ ni BBM

BINALIKTAD ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang naunang  rekomendasyon nito sa Trusted Operator Program – Container Registry and Monitoring System (TOP-CRMS), isang araw matapos magbabala si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na bilang na ang mga araw ng mga smuggler at hoarder ng mga produktong pang-agrikultura.

Mistulang biglang tumiklop ang ARTA sa ‘ilang makapangyarihang grupo’ na tumutuligsa kung ano ang maaaring pinakamabisang armas ng administrasyong Marcos laban sa anti-smuggling.

Sa sorpresang memorandum na inilabas nitong nakaraang Martes, 25 Hulyo ni Director General, Sec. Ernesto Perez, sinabi ng ARTA na ang muling pagsusuri nito sa TOP-CRMS regulatory impact statement (RIS) ay hindi nagtatapos sa paghahabol na bawasan ang halaga ng container deposit batay sa benefit-cost analysis na kanilang isinasagawa.

Mababasa sa bahagi ng ulat, ang ‘port congestion’ ay hindi maaaring gamitin ng Philippine Port Authority (PPA) bilang rason para sa interbensiyon ng gobyerno, kasama ang iminungkahing TOP-CRMS.

Idinagdag nito, ang PPA ay hindi maaaring magrason ng ‘congestion’ bilang  batayan upang maitatag ang iminungkahing TOP-CRMS.

Ang pinakabagong ARTA memorandum ay isang kompletong turnaround mula sa pagsusuri nitong 2 Pebrero na nagbigay-daan sa pagpapatupad ng TOP-CRMS at pinayagan ang PPA na ipagpatuloy ang nasuspendeng plano sa modernisasyon.

Binigyan ng ARTA ang programa ng rating na 36, ibig sabihin ay “Good Practice RIS.”

Sinabi ng ARTA sa isang pahayag noong Pebrero pagkatapos nitong tasahin ang programa, nagbigay ang PPA ng maiksi at kasiya-siyang ebidensiya sa lahat ng seksiyon ng RIA, kaya ang RIS ay tinasa bilang ‘Good Practice.’

Ang TOP-CRMS ng PPA ay nakatutugon din sa mga pamantayan ng ARTA para sa cost-saving mechanisms, kabilang ang bayad sa mga container deposits, mga daan sa daungan, at pagpapababa ng oras sa mga walang laman na container nang hindi bababa sa 72 oras.

Sa ilalim ng Section 6 ng Presidential Decree No. 857, ang PPA ay dapat mangasiwa, magkontrol, mag-regulate, magtayo, magpanatili, magpatakbo, at magbigay ng mga pasilidad o serbisyong pagmamay-ari ng awtoridad.

Sinabi ni PPA General Manager Jay Santiago, naniniwala siya na sa pag-aproba ng ARTA, na ang mga alalahanin sa pagpapabilis ng negosyo ay sapat na natugunan.

“PPA will continue to fine tune the program, and the implementation of PPA AO No. 04-2021 and its IOG will be constantly monitored, and the necessary adjustments to the IOG will be made as necessary. TOP-CRMS seeks to remove the payment of container deposits and efficiently manage the return of empty containers. In fact, there have been a series of public consultations, and we have adjusted based on the need of the stakeholders,” dagdag ni Santiago.

Ang panggigipit mula sa smugglers industry insiders ay pinaghihinalaan na ang isang makapangyarihang grupo ng mga smuggler ay nagpipilit sa mga kinauukulang ahensiya at regulator ng gobyerno na itigil ang pagpapatupad ng TOP-CRMS dahil magkakaroon ito ng malaking negatibong epekto sa kanilang mga ilegal na aktibidad.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …