RATED R
ni Rommel Gonzales
SIMULA noong Miyerkoles, July 26, napapanood na sa mga sinehan ang The Cheating Game nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.
‘A feverish, deep-dive into the psyche of two individuals who react differently to betrayal’ — ganito kung ilarawan ang pelikula. Isa itong romantic drama na magpapakita ng mature, relatable, at realistic side ng pakikipag-date sa panahon ngayon.
Sa kuwento, si Hope (Julie) ay isang young professional na may pagka-idealistic. Umiikot ang mundo niya sa kanyang fiance at ang non-governmental organization (NGO) na kanilang itinayo. Hanggang sa mag-viral online ang sex video ng kanyang fiance kasama ang ibang babae.
Heartbroken, mag-uumpisang muli si Hope. Magiging content producer siya sa isang kompanyang, lingid sa kaalaman niya, ay isa palang troll factory. At dahil ayaw na niyang muling maloko sa pag-ibig, gagawa siya ng isang ‘cheat sheet’ na nagdedetalye ng ‘anatomy of a cheater’ na gagawin niyang batayan sa pakikipag-date.
Makikilala ni Hope si Miguel (Rayver), isang self-made businessman na larawan ng isang ‘perfect guy’ at malayong-malayo sa kanyang ex. Ngunit habang napapalapit ang loob nila sa isa’t isa, unti-unti na ring lumalabas ang kanilang long-kept secrets.
Makakasama nina Julie at Rayver sina Martin Del Rosario, Winwyn Marquez, Yayo Aguila at marami pang iba.
Ang pelikula ay co-written at directed ng best-selling author na si Rod Marmol.