ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
MARAMING nakapanood ng red carpet premiere night ng pelikulang Litrato sa SM North, The Block last Friday ang pumuri sa husay ng acting ng casts nito, sa pangunguna ng lead actress ng movie na si Ai Ai Delas. Alas.
Ano ang reaction niya sa magandang reviews at feedback sa pelikula at sa galing ng acting niya rito?
Pahayag ni Ai Ai, “Nagpapasalamat ako sa Diyos na parating maganda ang mga nangyayari sa buhay ko, sa career ko and thank you so much sa 3:16 sa pagbibigay sa akin ng pelikulang ito. Salamat kay Ms. Len at sa mga iba pa nating producers na nandyan ngayon. Thank you so much at naalala nyo pa rin ako.”
Kabilang sa casts ng Litrato sina Quinn Carrillo, Ara Mina, Liza Lorena, Bodjie Pascua, Duane David, Weam Ahmed, at iba pa. Ito’y mula sa pamamahala ng batikang si Direk Louie Ignacio.
Ang pelikula ay kuwento ng isang lola na may Alzheimer’s disease na ginagampanan ng Comedy Queen na si Ai Ai. Sa unang pagkakataon, si Ai Ai ay gaganap sa ganitong role.
Makikita sa pelikula ang isang matandang babae na nasa care facility na madalas nanghihingi ng mga litrato sa mga taong hindi niya kilala dahil wala sa kanyang dumadalaw. Magbabago ang buhay ni Lola Edna (Ai Ai) nang dumating sa buhay niya ang isang istriktang caretaker.
Ang talented actress/writer na si Quinn ang gumaganap sa papel na istriktang caretaker sa pelikulang ito ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo.
Karamihan sa nanood nito sa premiere night ay umiiyak at mugto ang mata. Pinasalamatan ni Ai Ai ang mga sumuporta sa premiere night nito.
Aniya, “Maraming salamat sa lahat ng nanood sa priemiere night and thank you rin sa mga kasamahan ko rito. Kasi siyempre kung hindi rin naman nagja-jive and nagsu-support kami sa isa’t isa, hindi naman magiging maganda yung pelikula namin.
“Thank you also, lalong-lalo na kay Direk Louie for always believing in me and palaging hindi niya ako pinababayaan,” nakangiting sambit pa ni Ms. Ai Ai.
Nanghihinayang ba siya na hindi umabot sa premiere night ng movie?
“Oo sayang, pero okay lang, kasi ay manonood naman ako sa first day ng showing nito at excited na akong mapanood itong Litrato,” wika pa ng Comedy Queen na kadarating lang mula US last Saturday.
Sa ginanap na premiere night ng Litrato last Friday, bumaha ng luha dahil sadyang ibang klaseng kurot sa puso ang hatid nito sa moviegoers.
Wala kaming nakitang hindi mugto ang mata or sumisinghot dahil sa kaiiyak sa movie.
Pati sina Quinn, Ara, Liza, Direk Louie, at iba pa ay umiyak nang todo sa pelikulang ito.
Sadyang sulit ang ibabayad sa sine at mas okay kung kasama ang mga mahal sa buhay, kapag pinanood ang Litrato sa sinehan.
Ito ay swak na pelikulang pampamilya na makaka-relate ang mga lola, nanay, anak, at iba pa. Sabi nga ni Direk Louie, “Kapag napanood mo itong Litrato, pag-uwi mo sa bahay ay gusto mong yakapin ang iyong nanay at ang iyong lola.”
Ang Litrato ay showing na ngayong Wednesday, July 26, 2023 in cinemas, nationwide.