Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dennis Padilla Magic Hurts

Dennis emosyonal, gusot sa mga anak umaasang maaayos pa rin

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAGING emosyonal si Dennis Padilla sa storycon ng upcoming film na Magic Hurts.

May kinalaman sa kanyang mga anak kay Marjorie Barretto ang naging hugot ni Dennis na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaayos nina Julia, Claudia, at Leon.

Kamukha niyong title ng pelikula, ‘pag hurt, may healing. Doon pumapasok ‘yung magic,” umpisang pahayag ni Dennis.

Kasi kapag may sakit, may healing. Tapos ‘yun ‘yung magic niya eh, kasi galing sa pagmamahal ‘yun.

“There was one time nga, tinext ko si Claudine.”

Kapatid ni Marjorie ang aktres na si Claudine Barretto na kasama rin sa cast ng Magic Hurts.

Pagpapatuloy ni Dennis, “Sabi ko, ‘Alam mo, Claudine, kung bakit tayo nasasaktan? Kasi mahal natin sila, eh. ‘Di ba, ‘pag mahal mo, nasasaktan ka?’

“Parang natutunan mo nang mabuhay na kasama ‘yung sakit. “Nakakasanayan mo,” na walang dudang ang kanyang mga anak kay Marjorie ang tinutukoy ni Dennis.

Napalitan ng ngiti ang lungkot sa mukha ni Dennis nang sinabi niyang umaasa siyang magkakaroon siya ng healing ‘pag nasa Atok, Benguet na siya.

Sa Baguio at sa Atok kukunan ang kabuuan ng pelikula.

Baka pagdating sa Atok, baka mag-heal siya, eh. Kasi malamig doon.

Baka roon pumasok ‘yung magic ng healing,” napangiti niyang pahayag.

Mula sa Rems Film Production, ilulunsad sa pelikulang Magic Hurts ni direk Gabby Ramos ang tambalang Mutya Orquia at Beaver Magtalas at ang newbie na si Maxine Trinidad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …