ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
MAY bagong pelikula ang mahusay na singer/songwriter na si Marion Aunor. Ito’y pinamagatang A Glimpse of Forever at mula sa pamamahala ni Direk Jason Paul Laxamana.
Lately, bukod sa pagiging magaling na singer at prolific songwriter, nakikilala na rin si Marion bilang aktres.
Kung tama ang aking pagkakatanda, ang last movie ni Marion ay ang Sarap Mong Patayin bilang si Nirvana. Pinagbidahan ito nina Lassy Marquez at Kit Thompson at mula sa pamamahala ni Direk Darryl.
Sa tantiya rin namin, nakagawa na si Marion ng more or less, six films.
Ano ang role niya sa A Glimpse of Forever?
Kuwento ni Marion, “One of the cast po ako, supporting role as Frida. Kasama po sa movie sila Jasmine Curtis, Jerome Ponce, and Diego Loyzaga.”
“Iyong movie po may drama, may comedy, and romance,” sambit pa niya hinggil sa genre ng kanilang pelikula.
May dream role ba siya?
“Opo mga weirdo or villain role hehe or more comedy roles,” nakangiting pahayag pa ni Marion.
Bakit ang dream role niya ay maging weirdo or villain?
Tugon niya, “Hindi ko po alam kung bakit pero nagiging favorite character ko po lagi yung mga weirdo or villain sa mga napapanood kong movies or shows.”
Mas challenging ba para sa kanya ang mga ganitong role?
“Siguro yung confidence and style nila? Or mas interesting lang usually kaysa sa ibang characters,” matipid na sagot ng panaganay ni Ms. Lala Aunor.
Sakaling may offer na sexy ang role or may kissing scene siya, papayag ba siya? Or, papayag kaya ang mommy niya?
“For kissing scene, puwede bang pang K-drama lang? Hahaha! Shy po kasi ako eh,” nakatawang bulalas pa ni Marion.
Kamusta yung naging show nila sa Balik-Saya sa Kuwait?
“Masaya po yung show sa Kuwait with Ms. Sheryn Regis. Warm naman po yung welcome from the Filipino community doon.”
Ano ang feeling na mag-perform sa mga OFW na mga bagong bayani natin?
“Happy po kami na napasaya namin ang ating mga kababayan doon through our show,” masayang wika pa ni Marion.