I-FLEX
ni Jun Nardo
NAKARATING sa Kapuso Princess na si Barbie Forteza ang pahayag ng social media influencer na si Ivana Alawi na siya ang nicest GMA artist na nakatrabaho niya.
“Kaya sobrang blessed kasi napakabait!” saad sa video ni Ivana.
“Grabe naman ‘to. Maraming salamat @IvanaAlawi. So happy for all your success. Ingat kayo ni Mona.”
Samantala, sa coming GMA Gala Night sa July 22, inaabangan kung sino ang magiging escort ni Barbie. Ang boyfriend na si Jak Roberto o ang new loveteam niyang si David Licauco?
Kung inaalala ng fans kung sino ang escort ni Barbie, siya naman, ang trabaho bago ang Gala Night ang nasa isip niya lalo na’t nagpapagaling pa siya dahil sa sakit na hindi naman COVID.
“Nag-give-up na lang talaga ang (sexy) body ko sa dami ng blessings this month. Amen,” reply ni Barbie sa tweet ng fans.