ni ALLAN SANCON
SINUNDO kamakailan ng private plane ni dating Ilocos Gov. Chavit Singson ang Korean Superstar na si Lee Seung Gi para sa meet and greet nito sa kanyang mga Pinoy fans.
Nitong nakaraang July 16, 2023 naman ay nagbukas ang ikalawang branch BBQ Chicken Restaurant ni Gov. Chavit sa Robinsons Magnolia na dinaluhan ng ilan niyang kaibigan katulad ni Quezon City Vice Mayor Gian Sotto.
Mukhang mas marami pang businesses ang itatayo ni Gov. Chavit in connection with Korean partners. Tuloy din ang nakaplanong pagpapatatayo ng Little Seoul ni Gov. Chavit dito sa Pilipinas at balak niya pang dalhin ang iba pang Korean stars sa Little Seoul na ito para mag-perform.
Sa mga hindi nakakaalam, nakipag tie-up pala itong si Gov. Chavit sa ABS-CBN para dalhin ang grupong HORI7ON sa Korean para sa matinding training ng mga ito.
Hindi talaga maikakaila ang magandang relasyon ni Gov. Chavit sa Korean government para sa mas marami pa nilang itatayong businesses dito sa bansa.
Balak ni Gov. Chavit na bukod sa dalawang branches ng BBQ Chicken ay ikalat pa sa iba’t ibang parte ng Pilipinas ang restorang
ito. Nagustuhan niya ang business na ito dahil talaga namang masarap at dekalidad ang iba’t ibang flavor ng chicken na nagmula pa sa Korea na pwedeng ipantapat sa mga local restaurant dito sa Pilipinas.