Sunday , November 9 2025
Benjamin Alves Chelsea Robato

Benjamin nalulula sa preparasyong ginagawa sa kanilang kasal ni Chelsea

RATED R
ni Rommel Gonzales

Sa January 28, 2024 na ang kasal nina Benjamin Alves at girlfriend niyang si Chelsea Robato.

Excited na ba si Benjamain o ninenerbiyos?

Ako excited naman,” bulalas ni Benjamin. “Kapag napag-uusapan ‘yung mga schedule, mga kulay, doon ako medyo nalulula kasi ang dami nga palang preparations, but we have a really great wedding coordinator, si Kim Torres.”

Pero hands-on sila ni Chelsea sa mga preparasyon para sa kanilang pag-iisang dibdib.

Yeah, si Chelsea super hands-on, si Chelsea talaga, it’s her day,” ang nakangiting sambit pa ni Benjamin.

Gusto nilang magkaroon agad ng baby kasunod ng kanilang kasal.

May plano na po, hindi ko lang po gustong sabihin kung kailan but may plano naman po, pero may specific… bilang Chinese si Chelsea, may specific kung anong year ang mas maganda.”

Mahilig sina Benjamin at Chelsea sa bata.

Yeah, I think we’re both ready, I think we’re both excited for it.

“Iyon naman po ‘yung goal namin, kaya hopefully maka-find kami ng time after the wedding na makapagpahinga, para makapag-honeymoon ng maayos.”

Pinoy si Benjamin at Chinese ang kanyang mapapangasawa at very close siya sa pamilya ni Chelsea, lalo na sa mommy nito.

Yeah, me and Chelsea’s mom are great, so wala pong nagiging problema. I think it helps that Chelsea is an only child, so parang ako ‘yung anak na lalaki na wala siya, so we’re great.”

At bongga si Benjamin dahil hindi pa man sila ikinakasal ay may titirahan na sila ni Chelsea dahil nakapagpatayo na siya ng bahay.

Yeah, mayroon na po kami ni Chelsea, okay na,” ang nakangiting rebelasyon pa ni Benjamin.

Napapanood si Benjamin bilang si Eric sa Magandang Dilag sa GMA Afternoon Prime.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Jillian Ward

Jillian Ward mukhang reyna ng Thailand

MATABILni John Fontanilla MARAMING humanga sa kagandahan ni Jillian Ward na nagmukhang reyna sa kanyang mga litrato …

Will Ashley

Will Ashley kakasuhan mga basher

MATABILni John Fontanilla NAGPUPUYOS sa galit ang tinaguriang Nation’s Son at Kapuso actor na si Will …

Ysabel Ortega

Ysabel takot sa elevator, gustong gumanap na vampire

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAY trauma pala sa elevator si Ysabel Ortega. Ito ang nalaman naman …

Viva Movie Box

Viva inilunsad, VMB — bagong vertical content streaming platform 

MATAGUMPAY na inilunsad ng Viva Communications Inc., ang Viva Movie Box, isang bagong streaming platform na idinisenyo …

Kim Chiu Paulo Avelino Alibi

Kim Chiu walang takot magpakita ng skin, maraming sikretong ilalantad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “TAPOS na po tayo sa teeny-teeny.” Ito ang paliwanag ni Kim Chiu nang matanong …