RATED R
ni Rommel Gonzales
MAY mahalagang papel sa seryeng Abot Kamay Na Pangarap ng GMA ang batikang aktres na si Dina Bonnevie bilang si Giselle Tanyag na madalas kaeksena ni Moira Tanyag na ginagampanan naman ni Pinky Amador.
Kinumusta namin kay Pinky kung paano kaeksena si Dina.
“Hay naku ang sarap,” bulalas ni Pinky. “You know, I’ve known Dina for 36 years, kasi first movie ko siya ‘yung bida ako ‘yung kontrabida, ‘Magdusa Ka’ [1986], kaya ang tagal-tagal ko na siyang kilala.
“At saka siyempre pagdating sa cast ‘yung… parang ako ‘yung ka-chika niya, eh.
“Kasi like Mina [Carmina Villarroel] kasi is always on set, so kami lagi ‘yung magka-chika, tapos kunwari mayroong outing, may get-together, ako lagi niyang hinahanap.
“Actually the others say, ‘Hala nandiyan na si Ms. D’, sabi ko, ‘Hindi, ang bait-bait kaya niyan, ‘noh!’
“I mean, her persona is just what you see is what you get, ‘di ba, simple as that. Eh ‘di behave ka, ‘wag kang maldita, eh ‘di tapos ang kuwento.’
“Naku she always shares her food, eh ang takaw-takaw ko pa naman, laging ‘Ms. D anong ulam natin for lunch?’, at tumawa si Pinky.
“Eh lagi naman talaga siyang… she really brings food to share, ganoo siya, so ‘yun, ang dami naming bonding sa set, apart from the Tiktok, apart from ganyan.
“Kanya-kanya kaming toka sa pagpapabili ng pagkain or merienda, ‘yun, ang saya lang, ang suwerte namin na parang you wake up and you want to go to work, hindi ‘yung you wake up and, ‘I’m so tired, ayoko na’, walang ganoo ,” kuwento pa ni Pinky.