Monday , June 23 2025
Ariel Nepomuceno OCD

Paghahanda ng disaster groups sa CAR, sinaksihan ni OCD Sec. Nepomuceno

BILANG paghahanda sa sakuna tulad ng bagyo, lindol, pagbaha, aksidente sa lansangan, at maging sa El Niño, nagsagawa ng pagsasanay o demonstrasyon ang iba’t ibang  disaster team sa Cordillera Autonomous Region (CAR) na ginanap sa Baguio City nitong Sabado.

Sa isinagawang incident management capability demonstration sa Melvin Jones Grandstand and Football Field sa Baguio City, nagpakita ng kanilang kakayahan at responsibilidad sa pagtugon sa anomang trahedya partikular sa paglilikas at pagliligtas sa mamamayan ang iba’t ibang disaster organizations.

Sinaksihan ni Civil Defense Sec. Ariel Nepomuceno, bilang pangunahing panauhing pandangal ang isinagawang demonstrasyon ng mga disaster group gamit ang iba’t ibang uri ng equipment o kagamitan para sa Disaster Risk Reduction Management (DRRM) tulad ng incident command system, collapsed structure search and rescue, crashed vehicle extrication and rescue.

Sa talumpati ni Nepomuceno, kanyang ipinarating ang pagkilala at pagpapasalamat sa Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council at sa stakeholders sa kanilang ipinamalas na sakripisyo  sa pagresponde para matiyak ang seguridad ng bawat mamamayan sa panahon ng sakuna o trahedya.

“I want to personally thank you and acknowledge the big sacrifice that you are doing and are willing to do – for your willingness to be trained, for your willingness to serve. Thank you very much for dedicating yourselves to this mission and for serving the country well,” ani Nepomuceno.

Sinabi ni Nepomuceno, sa ipinakitang pagtugon ng mga disaster organization sa isinagawang exercises kinakailangan ng bawat lumahok o bawat miyembro ng disaster team ang karagdagang lakas, pisikal at emosyonal.

Anang Kalihim, kailangan na rin baguhin ng mga Filipino ang kanilang pag-iisip at estilo sa pagharap sa iba’t ibang sakuna sa bansa.

“We need to plan and always practice. Events like this shall give you and the stakeholders the possible muscle memory that we need. Change our mindset and always practice,” dagdag ni Nepomuceno.

Sa rekord ng OCD, madalas ang sakuna partikular ang landslide sa CAR kabilang ang Baguio City, tuwing panahon ng tag-ulan o habagat habang sa huling quarter ng taong kasalukuyan, inaasahan ang pananalasa ng El Niño sa bansa.  (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Empowering OFWs, Fueling Innovation DOST Region 1 inks first iFWD PH project in La Union

Empowering OFWs, Fueling Innovation DOST Region 1 inks first iFWD PH project in La Union

𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗢𝗙 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗘𝗥𝗡𝗔𝗡𝗗𝗢, 𝗟𝗮 𝗨𝗻𝗶𝗼𝗻 – In a significant milestone for migrant worker reintegration …

San Jose del Monte CSJDM Police

Tatlong armado arestado
2 sekyu nailigtas sa mabilis na aksyon ng pulisya

ARESTADO ang tatlong lalaki matapos ireklamo ng pananakit, pananakot gamit ang baril, at pagdampot sa …

Bulacan Police PNP

Sa 24-oras na operasyon ng pulisya, 6 wanted sa batas nasakote

MATAGUMPAY na naaresto ng pulisya ang anim na indibidwal na na pinaghahanap ng batas sa …

No Firearms No Gun

Kawatan nanlaban, sapul sa pakikipagpalitan ng putok sa mga parak

SUGATAN ang isang lalakin matapos makipagpalitan ng putok kasunod ang mabilis na pagresponde ng mga …

ArenaPlus basketball coaching clinic FEAT

ArenaPlus empowers coaching clinic shaping future basketball champions

The future of basketball is bright as ArenaPlus, the country’s best sportsbook, partnered with coach …